Herbal; PANDAN

Ang ugat at dahon ng pandan ay kapaki-pakinabang bilang herbal at ang mga sumusunod ay kayang gamutin nito.

1.Sakit ng ulo. Kung makaramdam ka ng pananakit ng ulo, maaari mong dikdikin ang dahon ng pandan at ito ang siya mong itapal sa iyong ulo. Pwede ka rin naman uminom ng pinaglagaan ng dahon nito.

2.Rayuma. Ang pananakit naman ng mga kasu-kasuan dahil sa rayuma ay maaaring maibsan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng pandan.

3.Pigsa. Kaya ring solusyunan ng pandan ang iyong pigsa kung ang dinikdik na dahon nito ay pipigaan mo ng kalamansi at hahaluan din ng kahit konting asin.

4.Pagsusuka. Kung ikaw naman ay makakaranas ng pagsusuka, maaari ka ring uminom ng pinaglagaan ng dahon ng pandan.

5.Hirap sa pag-ihi. Upang makaramdam ng ginhawa sa pag-ihi, maglaga ng ugat ng pandan at ito ang gawing tsaa na maaari mong inumin tuwing umaga.

6.Pagsusugat ng gilagid. Kung nais mo naman na maiwasan ang pagsusugat ng gilagid at maging matibay ito, subukan mo ang pagnguya sa ugat ng pandan.

7.Sugat. Ang mabilis na paghilom ng sugat ay maaarin ring matugunan sa pamamagitan ng pagtatapal dito ng dinikdik na tuyong dahon ng pandan.

8.Masakit na tenga. Ang katas ng bulaklak ng pandan ay maaari mong magamit na pampatak kung nananakit ang iyong tenga.

9.Kanser. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng pandan ay isang mabisang panlaban din sa anumang uri ng kanser.

10.Insomia. Kung ikaw ay may insomia, uminom lamang ng pinaglagaan ng dahon ng pandan na may halong honey. Ito ay pektibo dahil sa alkaloid compounds na taglay nito bilang pampakalma para ikaw ay antukin.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here