Herbal; MAYANA

0
196
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Coleus Blumei, ang Mayana ay isang maliit na ornamental na halamang maaaring itanim sa paso. Magandang tingnan ang mga dahon nito na kulay berde ang palibot habang ang loob naman ay kulay lila. Kulay lila rin ang kumpol kumpol nitong mga bulaklak. Ang Mayana ay matagal nang ginagamit bilang herbal dahil sa mga sustansyang taglay nito gaya ng alkaloids, saponin, flavonoids, tannin, volatile oil, at quercetin. Ang dahon nito ang siya mismong ginagamit bilang gamot.

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdamang kayang malunasan ng halamang Mayana.

1.SUGAT. Ang sugat mula sa pagkadapa, paso, hiwa, o anupamang dahilan ay maaaring malunasan ng dahon ng Mayana. Ang katas ng dahon ay maaaring makapaglinis ng iyong sugat. Upang mapabilis naman ang paghilom nito ay maaari mo itong tapalan ng dinikdik na dahon.

2.KABAG. May taong sadyang kabagin o yung madalas na kabagin. Kung maranasan mo ito ay maaari kang uminom ng pinaglagaan ng dahon ng Mayana. Makakatulong ito sa’yo.

3.PAGTATAE. Kung nakakaranas ka naman ng hindi magandang kondisyon sa pagdumi o ikaw ay nagtatae, kailangan mong ilaga ang dahon at ito ang iyong inumin.

4.HINDI MAAYOS NA REGLA. Kung ikaw naman ay isang babae at nakakaranas ng paudlot udlot na pagreregla o delay na pagreregla, maaari kang uminom ng pinaglagaan ng dahon. Makakatulong ito upang maging maayos ang daloy ng iyong regla at maging regular ito gaya ng dati.

5.SAKIT NG ULO. Kung nakaramdam ka ng pananakit ng iyong ulo, magdikdik ka ng dahon ng Mayana at itapal mo ito sa iyong sentido, gayundin sa batok at noo. Magagawa nitong palisin ang nararamdaman mong pananakit ng ulo.

6.SORE EYES. May panahon talaga na nauuso ang sore eyes.Lumalaganap ito dahil sa ito ay nakakahawa. Kung ikaw ay magkaroon din nito, ang pinaglagaan ng dahon ng Mayana ay maaari mong ipatak sa iyong mga mata na apektado ng sore eyes.

7.PILAY. Kung naipit naman ang iyong ugat at nagdulot ito sa’yo ng pilay, ito ay maaari mong tapalan ng dinikdik na dahon ng Mayana.Kailangan na nakabalot itong mabuti upang maging epektibo sa apektadong bahagi ng iyong katawan na nagkapilay. fffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here