Herbal; MABOLO

1
253
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Diospyros blancoi, ang Mabolo ay isang kilalang prutas sa Pilipinas.Hindi masyadong mataas ang puno nito. Kabaligtaran ng makapal at makinis na dahon nito, ang bunga ng Mabolo ay balot ng maliliit na buhok. Ito ay may bulaklak na kulay puti. Ito ay kalimitang tumutubo sa mababang lugar. Tinatawag din itong butter fruit at Kamagong. Ang balat ng kahoy at dahon ng Mabolo ay may mabuting naitutulong bilang lunas ating mga karamdaman. Ito ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral tulad ng fiber, calcium, protein, phosporous, iron, vitamin A, Thiamine, Riboflavin, Niacin at Vitamin C.

Narito ang mga karamdaman na kayang gamutin ng Mabolo.

1.HIKA. Maraming herbal ang magagamit na gamot para sa hika. Isa na rito ang Mabolo. Ang mga matatanda ay naniniwala na makakatulong ito kung ang balat ng kahoy ng Mabolo ay ilalaga at ito ang siyang ipapainom sa may sintomas ng hika.

2.MGA KATI. Kung ikaw naman ay nagkaroon ng mga pangangati o problema sa balat dulot ng fungi o anumang mikrobyo na kumapit sa iyong balat, maaari mong pagsamahin ang balat ng kahoy at dahon ng Mabolo sa paglalaga at ito ang iyong inumin.

3.LAGNAT. Ang simpleng lagnat ay kaya ring malunasan ng Mabolo kung ang pinaglagaan ng balat ng kahoy nito ay ipaiinom sa may lagnat ng dalawa hanggang tatlong beses hanggang sa bumaba ang lagnat nito.

4.UBO. Mahusay din sa inuubo ang Mabolo, tulad ng ibang pamamaraan ay ang pag-inom din sa pinaglagaan ng Mabolo ang siyang makakapagpawala sa iyong ubo at makapit na plema.

5.DIABETES. Pinaniniwalaan din na ang katas ng prutas ng Mabolo ay mainam sa mga diabetic. Ang taglay nitong volatile components of benzyl, butyl, and (E) –cynnamil butyrate ay nakakatulong sa pag-improve ng insulin sensitivity at nakapagpapataas din ng enerhiya.

6.PAGTATAE. Ang pagtatae ay karaniwan ding nabibigyang lunas ng iba’t-ibang herbal. Isa sa mga herbal na ito ang Mabolo. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy nito ang siyang makakatulong upang maging maayos ang kondisyon sa pagdumi.

7.SUGAT. Ang katas ng bunga ng Mabolo ang siya mo namang mapapakinabangan kung ikaw ay magkakasugat. Upang mapadali ang paggaling nito ay ipahid mo lamang ang katas sa apektadong area at magiging mabilis ang paghilom nito.

1 COMMENT

  1. Nakita ko po saking panaginip ang tumpok ng tae sa loob ng kusina namin. Pinalis ko po ito at tinabunan, subalit lalo pang kumalat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here