Herbal; LUBIGAN

    May scientific name na Acorus Calamus at Acorus Gramineus, ang Lubigan ay isang uri ng baging. Maliit lang ang halamang ito na tumutubo na parang damo. Ang mga bulaklak nito ay maliliit lang din. Marami itong ugat na puno ng hibla. Ang halamang ito ay karaniwang tumutubo sa mga basa at mapuputik na lugar gaya ng tabing ilog. Maraming sustansya at kemikal ang maaaring makuha sa halamang Lubigan. Dahil dito kung kaya’t malaki ang naitutulong ng Lubigan para sa ating kalusugan. Ang mga sumusunod ay mga karamdamang kaya nitong maibsan.

    1.UBO. Ang ubo ay makakayang solusyunan ng Lubigan. Maglaga lamang ng pinagsamang dahon at ugat sa tatlong basong tubig. Kailangan itong inumin tatlong beses sa isang araw.

    2.KABAG. Kung ikaw naman ay may kabag, maaari ka ring uminom ng pinaglagaan ng dahon ng Lubigan. Sa isang baso pa lang nito ay mararamdaman mo agad ang epekto. Kung hindi pa mawala ang iyong kabag ay maaari ka ulit uminom ng isa pang baso nito.

    3.SUGAT. Kung sugat naman ang iyong paggagamitan ng Lubigan, ang langis na nakukuha mula sa halamang ito ang siya mong ipapahid sa bahagi ng iyong katawan na may sugat. Maaari mo ring magamit ang dinikdik na dahon.

    4.KAWALAN NG GANA SA PAGKAIN. Ang murang dahon ng Lubigan na nagtataglay ng mga sustansya at kemikal ay isang mabisang gamot para sa mga walang ganang kumain. Maaari rin itong igulay. Ang katas nito ay mainam ding inumin.

    5.MASAKIT NA NGIPIN. Kapag naman sumakit ang iyon ngipin, ang ugat ng Lubigan ang makakatulong sa’yo. Kailangan mo lang itong nguyain hanggang sa maramdaman mo ang unti-unting pagkawala ng sakit ng ngipin mo.

    6.NAKAKAPAGPATALAS NG MEMORYA. Kung sa tingin mo naman ay pumupurol na ang iyong memorya, maglaga ka lang ng ugat at dahon ng Lubigan at uminom ng isang baso nito araw-araw, tiyak na mapapansin mo ang pagtalas ng iyong memorya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here