Herbal; LAGTANG

May scientific name na Anamirta cocculus, ang Lagtang ay nabibilang sa pamilya ng mga halamang gumagapang. Ang malapad na dahon nito ay hugis puso. Mabango ang bulaklak nitong may kulay na dilaw habang ang mga sanga nito ay matitigas na parang kahoy. Ang Lagtang ay karaniwang makikita sa mga kagubatan na mababa lamang. Dito ito tumutubo. Ang bunga at buto ng halamang ito ay may pakinabang kung kalusugan din lang ang pag-uusapan. May kakayahan itong magpagaling ng ilang karamdaman dahil sa tinataglay nitong mga sustansya at kemikal. Ang mga sumusunod ay ang mga karamdamang kaya nitong mabigyan ng lunas.

1.VERTIGO. Kung ikaw ay nakakaranas ng pagkahilo at na-diagnose ito bilang vertigo, makakatulong sa’yo ang Lagtang. Upang mawala ang iyong hilo ay kumuha ka lang ng bunga ng Lagtang at nguyain ito. Sigihan mo lang ang pagnguya hanggang sa maramdaman mo ang unti-unting paglalaho ng nararamdaman mong hilo.

2.ULCER. Kung ikaw naman ay pinapahirapan ng iyong ulcer , mabisang ipanlaban mo rito ang katas ng bunga ng Lagtang. Hindi mo ito iinumin kundi ipapahid lamang sa iyong tiyan.

3.SUGAT. Kung sugat mo naman na matagal gumaling ang iyong pinoproblema, huwag ka ng masyadong mabahala dahil simple lang ang kailangan mong gawin. Kumuha lamang ng halamang Lagtang at katasin ito saka mo ipahid sa bahaging may sugat. Tiyak na mapapabilis ang paggaling nito.

4.KUTO AT LISA. Isa mga pinoproblema natin sa ulo ay ang pamumugad ng mga lisa at kuto. Yung kahit gumamit na tayo ng mga gamot para maalis ito ay hindi pa rin umepekto. Subukan nyo naman ang Lagtang. Ang buto nito ay maaring makatulong sa’yo. Kailangan mo lang itong dikdikin at saka ihalo sa gagamitin mong panghugas sa buhok.

5.BRONCHITIS. Kung ikaw naman ay may problema sa paghinga o kaya naman ay meron kang bronchitis, maaasahan mo rin ang Lagtang. Wala kang ibang gagawin kundi ang nguyain ang bunga nito.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube