Herbal; KULANTRO

0
247
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Coriandrum Sativum Linn, ang kulantro ay isang dahon na pampalasa na ginagamit sa mga lutuin. Matapang ang amoy nito kaya naman ginagamit itong pampabango sa mga pagkain. Ito man ay tumutubo sa matataas na lugar pero ang tubo nito ay mababa lamang. Meron ding bulaklak at malilit na buto. Ang bawat bahagi ng halamang kulantro ay nagtataglay ng maraming uri ng kemikal at sustansya na mainam para sa ating kalusugan tulad ng langis na may taglay na coriandrol, pentosan, d-ilinalool,licareol, furfurol, pectin, vitamin c, fat, protina, potassium maleate at vitamin c3.

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdaman na kaya nitong gamutin.

1.Masakit na ulo. Ang dinikdik na buto ng kulantro ay maaari mong ipahid sa ulo mo kung saan ang bahagi na masakit.

2.Diabetes. Ang pinaglagaan ng buto ng kulantro ay nakakatulong sa pagmimintina ng asukal sa dugo ng taong may sakit na diabetes. Kailangan lamang na gawing regular ang pag-inom nito.

3.Pagsakit ng sikmura. Kung hindi ka naman natunawan at naramdaman mo ang pagsakit ng iyong sikmura, ilaga mo ang buto ng kulantro o maski ang mga bunga nito at ang pinaglagaan ang siya mong inumin upang mawala ang pananakit ng iyong sikmura.

4.Kabag. Ang langis naman ng kulantro ang siyang nakakatulong kung ikaw naman ay kinabag. Ipapahid mo lamang ito sa iyong tiyan at makakaramdam ka na agad ng ginhawa.

5.Pagkahilo. Kung sa iyong kapamilya o kaibigan ay may biglang nahilo, ang dinikdin na buto ng kulantro ang siyang ipaamoy mo upang mawala ang kanyang nararamdamang pagkahilo.

6.Rayuma. Mabisang gamot din ang kulantro para sa mga taong nakararanas na ng rayuma. Ipapahid mo lamang ang langis ng kulantro sa iyong kasukasuan. O di kaya naman ay ang dinikdik na buto kung saan ang bahagi na nananakit.

7. Pagsakit ng ngipin. Ang buto ng kulantro ay pwedeng nguyain ng tao na sumasakit ang ngipin. Nakakatulong din ang pagnguya nito upang mawala ang hindi magandang amoy ng hininga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here