Herbal; KOMPREY

0
56
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Symphytum officinale, ang komprey ay ginagamit na bilang herbal noon pa mang panahon ng ating mga ninuno. Sa panahon na hindi pa nakakaimbento ng maraming uri ng gamot, ang ating mga ninuno ay dumedepende sa mga halamang gamot. At isa ang komprey sa herbal na nakakatulong sa kanilang mga kalusugan. Lalo pa at ang halaman na ito ay madali lamang hanapin dahil maaari itong tumubo sa iba’t- ibang lugar. Ang komprey ay may malapad na dahon na nababalutan ng maliliit na buhok habang ang bulaklak naman nito ay kulay asul o lila. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya at kemikal tulad ng Vitamin B12, rosmarinic acid, chloogenic acid, caffeic acid at lithospermic acids. Ang ugat at dahon nito ang siyang napapakinabangan bilang gamot.

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdamang nakakaya nitong gamutin.

1.Unang-una sa kaya nitong malunasan ay ang simpleng ubo o sa malalang kalagayan man nito. Inumin lamang ang pinaglagaan ng dahon nito. Isang baso kada matapos kumain. Kung hindi naman malala ang ubo ay sasapat na ang isang baso sa isang araw.

2.Makakatulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon kung ikaw ay nahihirapang dumumi. Kahit umiinom ka nito ay kailangan pa rin na uminom ng tubig bago o pagkatapos mo itong inumin.

3.May mga naniniwala din na ang pinaglagaan ng dahon nito ay may maitutulong din para makaiwas sa kanser kung uugaliin ang pag-inom nito at least twice a week.

4. Ang pilay, sugat, paso, alipunga, kagat ng insekto at buni ay pinaniniwalaan di na kayang gamuting ng komprey. Kailangan mo lang dikdikin na mabuti ang dahon nito hanggang sa kumatas at kapag nagawa mo na ay maaari mo na itong itapal sa mga apektadong bahagi ng iyong katawan.

5.Kung ikaw naman ay nahihirapan sa iyong pagtulog, may magagawa rin ang komprey para sa’yo. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pag-inom sa tsaa na mula sa kopmrey.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here