Herbal; KAWAYAN

0
50
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Bambusoideae or Bambusa, ang kawayan ay nabibilang sa uri ng damo. Matigas at mataas kung tumubo. Nakikita ito saanmang panig ng Pilipinas lalo na sa mga probinsya. Dahil sa tibay ng kawayan kung kaya’t ito ay kilalang ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at gayundin bilang materyales sa paggawa ng bahay. Pero hindi lang  sa kagamitan at kabahayan napapakinabangan ang kawayan kundi maging sa kalusugan ng tao ay may malaking tulong din itong nagagawa. Ito ay dahil sa mga sustansya at kemikal na tinataglay nito tulad ng ibang halaman. Ang labong kung tawagin o bagong usbong na kawayan ay nagtataglay ng mineral, calcium at iron habang ang mga dahon naman nito ay may hydrocyanic at benzoic acids samantalang ang ugat ay nagtataglay rin ng napakaraming sustansya at kemikal na magagamit din bilang gamot.

Kabilang sa mga karamdaman na kayang maibsan ng kawayan ay ang mga sumusunod;

1.Nakakapagpababa ng timbang. Ang kawayan ay weight loss-friendly. Sa kabila ng tinataglay na calories, carbohydrates at asukal nito , nakakasorpresa na ang presensya ng mga ito ay balewala. Kaya naman ito ay isang ideal na pagkain sa mga gustong mabusog pero hindi gustong madagdagan ang timbang.

2.Iregular na regla. Kung ikaw ay may hindi magandang kondisyon sa iyong buwanang dalaw, ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kawayan ay makakatulong sa’yo upang maging regular muli ang iyong pagreregla.

3.Proteksyon sa kalusugan ng puso. Ayon sa mga pagsasaliksik, ang phytosterols at phytonutrients na matatagpuan sa kawayan ay mabuti para sa pagtunaw ng mga LDL cholesterol sa katawan. Ito ay para malinis ang daluyan ng dugo sa ating katawan.

4.Rayuma. Ang taong nakakaranas naman ng rayuma ay kaya ring malunasan ng kawayan. Ang labong ang siyang ilalaga at ang pinaglagaan nito ang siyang ipapahid sa nananakit na kasu-kasuan sanhi ng rayuma.

5.Hirap na kondisyon sa pag-ihi. Kung ikaw naman ay may UTI o hirap ka sa iyong pag-ihi, ang ugat naman ng kawayan ang siyang makakatulong sa’yo para guminhawa ang iyong pag-ihi. Ilalaga mo lamang ito at iinumin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here