May scientific name na Dillenia philippinensis, ang katmon ay tumutubo lamang sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa ating mga kagubatan at tinatawag ding elephant apple. Ang taas ng puno ng katmon ay umaabot ng 6 to 15 meters. May makapal na dahon at tusok tusok na gilid. Ang bulaklak nito ay kulay puti at ang talutot ay malalapad. Ang halamang katmon ay nagtataglay din ng iba’t-ibang sustansya at kemikal na makakatulong para sa pagpapagaling ng mga karamdaman. Taglay ng dahon nito ang betulnic acid, 3-oxoolean-12-en-30-oic acid. Taglay din nito ang sulfated, glucoside, at seco-A-ring oleanane, -type triterpenoid. Ang bunga, dahon at balat ng kahoy ang siyang karaniwang ginagamit bilang herbal.
Ang mga sumusunod ay ang mga karamdaman na kaya nitong malunasan.
1.Hirap sa pagdumi. Kung ikaw ay nahihirapan sa iyong pagdumi maaari mong ilaga ang dahon o kaya ay ang balat ng kahoy ng halamang katmon. Ang pinaglagaan ang siya mong iinumin hanggang sa makaramdam ka ng kaginhawahan sa iyong pagdumi.
2.Lagnat. Kung ikaw naman ay nilalagnat, ang bunga ng katmon ang siyang makakatulong sa’yo. Kailangan mo lang itong katasin at ito ang siya mong iinumin para bumaba ang iyong lagnat. Pero dahil sa maasim ang lasa nito, nasa sa’yo na kung gusto mo itong haluan ng asukal upang kahit papa’no ay mabawasan ang asim.
3.Ubo. Ang katas na bunga ay mainam sa nakararanas ng ubo dahil sa maasim nitong lasa. Mas maraming katas na mainom ay mas madali ang paggaling. Maaari mo rin itong ilaga upang mas maging madaling inumin.
4.Hindi maayos na tibok ng puso. Kung ikaw ay nakararanas ng iregular na pagtibok ng puso, maaari kang matulungan ng bunga ng katmon. Ang katas ng bunga nito ay mainam para maging maayos at regular ang tibok ng puso mo.
5.Sugat. Para naman sa iyong sugat, magdikdik ka lamang ng dahon ng katmon at siya mong ipantapal sa iyong sugat para sa mabilis na paghilom nito.
MORE ARTICLES
Horoscopes Kapangyarihan Pamahiin Panaginip
Misteryo Numerology Zodiac Beauty/Health
Your Birthday ( Kaarawan Horoscope) Entertainment
Religion Panalangin Relationships OFW LGBTQ
New Wave (English) Facebook YouTube