HERBAL: Katakataka

0
93

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ang Katakataka ay karaniwang tumutubo sa isang tropikal na bansa gaya ng Pilipinas. Ang dahon nito ay may mga ugat na tinutubuan rin ng mga dahon. Ang dahon nitong may mga ugat ay maaaring itanim at pagsibulan ng bagong halaman. May mga bulaklak din itong mga nakayuko. Ang katakataka ay nagtataglay ng mga sustansya at kemikal na nakakatulong sa kalusugan. Ang dahon nito ay may bryophyllum A.B,C at malic acid. Napakaraming kemikal naman ang maaaring makuha dito gaya ng alkaloids, flavonoids, steroids, triterpenes, glycosides,lipids, butadienolides at organic acids. Karaniwang dinidikdik ang dahon ng katakataka at kinakatasan upang siyang ipamahid sa bahagi ng katawan na gagamutin. Kung ang dahon naman nito ay ipapangtapal sa katawan, mas mainam na idarang muna sa apoy upang higit na maging mabisa.

Mga sakit na Maaaring Malunasan ng Katakataka

1.Sugat. Dito ginagamit ang dahon na dinarang muna sa apoy bago ipangtapal sa sugat. Makatutulong ito upang maging mabilis ang paggaling ng sugat gayundin ang kinagat ng insekto.

2.Pigsa. Tinatapalan din ng dahon ang bahaging may pigsa upang madali itong pumutok.

3.Rayuma. Kung nananakit ang iyong kasukasuan dulot ng rayuma, tapalan mo lang ng dahon ng katakataka at hayaan ito ng ilang minuto hanggang sa unti-unting mapawi ang sakit.

4.Masakit na ulo. Pangkalma din ang dahon na ito sa nakakairitang pananakit ng ulo.

5.Masakit na teynga. Kung nananakit naman ang iyong teynga, ang katas ng dahon ay maaari mong ipatak. Huwag lamang dadamihan. Sapat na ang dalawa hanggang tatlong patak.

  1. Altapresyon. Kung tumataas ang iyong dugo, ay maaari mong inumin ang katas o pinaglagaan ng katakataka. Hindi kailangang haluan ng asukal. Ito ay iinumin mo ng puro upang mapababa ang iyong dugo.

7.Pagtatae. Ang katas na mula sa sanga at dahon ay nakagagaling din sa pagtatae.

8.Hika. Kung ang katas naman ay iinumin para sa hika, ang dahon ay ibinababad muna sa mainit na tubig bago ito katasin at ipainom sa hinihika.

Dahil sa kagalingan ng halamang gamot na ito, hindi na katakataka kung atin man itong hangaan at gamitin lalo na kung wala tayong pambili ng gamot. Subalit mas mainam pa rin na nakakapagpatingin tayo sa doctor upang makasiguro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here