Herbal; KANYA PISTULA

0
35
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Cassia fistula, ang Kanya Pistula ay isang magandang halaman na may madidilaw na bulaklak. Bukod sa pagiging maganda ay humahalimuyak din ang bango nito at tila mga palamuti sa kalsadang nagbibigay liwanag na yumuyukod at naglalaglagan sa lupa kaya naman ito ay tinawag na ‘golden shower tree’. Ito ay halamang ornamental na karaniwang makikita sa mga gilid ng kalsada at ganoon din sa mga parke. Ang halamang ito ay matatagpuan sa Pilipinas at sa iba pang tropikong bansa sa Asya. Bukod sa napakaganda nitong tingnan sa paligid, ang Kanya Pistula ay may maganda ring naitutulong para sa ating kalusugan. Nakapagbibigay lunas ito sa mga karamdaman, tulad ng mga sumusunod.

1.MALAT. Kung minsan ay nakakaranas tayo ng pamamalat dulot ng labis nating paggamit sa ating lalamunan o kaya naman ay mga impeksyon. Kung minsan pa nga ay halos wala na talagang lumalabas na sound mula sa ating bibig. Upang bumalik ang iyong orihinal na boses, ang Kanya Pistula ay makakatulong sa’yo. Kailangan mo lang ilaga ang mga bunga nito at ito ang siya mong iinumin hanggang sa mawala ang iyong malat at magbalik ang natural mong boses.

2.HINDI MAGANDANG KONDISYON SA PAGDUMI. Kung ikaw naman ay makakaranas ng hirap sa iyong pagdumi, matutulungan ka rin ng Kanya Pistula. Anumang bahagi ng Kanya Pistula ang gamitin mo bilang gamot ay siguradong makakatulong sa’yo, tulad ng ugat, dahon at bunga. Ang pinaglagaan ng dahon ay maaari mong inumin. Gayundin kung ugat nito ang iyong ilalaga at iinumin. Maging ang katas na nagmumula naman sa bunga ay magagamit mo rin bilang gamot.

3.KANSER. Kung nais mo naman na makaiwas sa sakit na kanser, ugaliin mo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pistula. Okay lang kahit hindi araw-araw at least twice a week. Maaari mo ring gamitin bilang pangontra sa kanser ang pagkain sa bunga nito.

4.DIABETES. Bukod sa kanser ay magagawa rin ng Kanya Pistula na maiiwas ka sa sakit na diabetes. Kailangan mo lang din na uminom ng pinaglagaan ng dahon at ugat o kaya ay gawing juice ang katas na nagmumula sa bunga nito.

5.SAKIT SA PUSO. Kung nais mo naman na gumanda ang kondisyon ng iyong puso ay makakatulong din sa’yo ang pagkain sa bunga ng Kanya Pistula.

6.LAGNAT. Kung ikaw naman ay mayroong lagnat, ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng Kanya Pistula ay makakatulong upang mapababa hanggang sa tuluyang mawala ang iyong lagnat. fffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here