Herbal; KAMANTIGI

0
40
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Impatiens balsamina, ang Kamantigi ay kilala rin sa katawagan na ‘touch me not’ or Rose balsam sa english. Maliit lamang itong halaman na namumulaklak. Makinis ang dahon nito na korteng patulis sa dulo habang ang gilid naman ay tusok-tusok. Ito ay maaaring ring itanim sa paso. Mabilis lamang itong tumubo at mamulaklak. Maraming sustansya at kemikal ang tinataglay ng Kamantigi tulad ng alkaloids, tannins, flavonoids, carbohydrates, saponins, terpene, peroxidase,phenol sulfur at pectin. Ang dahon, bulaklak at buto ng Kamantigi ay kapaki-pakinabang lahat para sa ilang karamdaman. Ang mga sumusunod ay ang mga kaya nitong gamutin.

1.FUNGI. Ang dinikdik na dahon ng Kamantigi ay mabisang panlunas sa mga fungi na nagsusumiksik sa kuko. Itatapal mo lamang ito sa apektadong bahagi ng kuko. Gawin mo ito ng ilang ulit para makita mo ang magandang resulta.

2.PASA. Kung ikaw naman ay may pasa, makakatulong din sa iyo ang dinikdik na dahon nito. Gawin ito ng dalawa o higit pang beses sa isang araw para sa mas mabilis na pagkawala ng iyong pasa.

3.UBO. Kung nakakaranas ka naman ng matinding pag-ubo lalo na ang may kasamang plema at hindi mo ito mapagaling sa pag-inom ng gamot ay maaari mong subukang inumin ang pinaglagaan ng buto ng Kamantigi. Isang baso lamang nito sa isang araw ay mainam na para sa paggaling ng iyong ubo.

4.KULUGO. Mainam din sa kulugo ang pagtatapal ng dinikdik na dahon. Kailangan mo lang maging matiyaga sa pagtatapal nito araw-araw sa bahaging may kulugo.

5.KAGAT NG AHAS. Kung ikaw naman ay nakagat ng ahas o natuklaw, maaari mong magamit bilang  pangunang lunas ang dinikdik na dahon ng Kamantigi at siya mong itapal sa bahaging nakagat.

6.KANSER. Ang buto ng Kamantigi ay sinasabing ginagamit din bilang bahagi sa panggagamot ng sakit na kanser.

7.DYSMENORRHEA. Kung ikaw naman ay nakakaranas ng dysmenorrhea ay maaari ka ring matulungan ng halamang Kamantigi. Ang pinaglagaan ng bulaklak nito ang siyang makakatulong sa’yo para maibsan ang paghihirap mo sa iyong dysmenorrhea.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here