Herbal; IKMO

0
55
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Piper anisodorum, ang Ikmo ay matagal ng kilala na ginagamit sa panggagamot. Kalimitang isa ito sa mga pinagkakatiwalaang herbal ng mga albularyo. Ginagawa rin itong nganga ng mga matatanda sa probinsya. Maliit lamang ang halamang ito na bilugan at gumagapang. Ang mga bulaklak naman ay nagkukumpulan sa iisang tangkay.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sakit na maaaring magamot ng halamang Ikmo.

1.Sakit ng Tiyan. Ilaga ang mga dahon ng Ikmo. Katamtamang dami lamang ng dahon. Ang pinaglagaan nito ay maaaring mong inumin upang ang pananakit ng iyong tiyan ay maibsan. Ang isang basong pinaglagaan lamang nito na iyong maiinom ay sapat na upang mawala ang sakit ng iyong tiyan.Subalit kung hindi pa eepekto ang isa ay maaari ka rin nitong uminom ng dalawa hanggang tatlong baso pa sa pagitan ng bawat oras.

2.Sugat. Kung ikaw naman ay magkakasugat, ang dahon ng Ikmo ay mapapakinabangan mo rin. Kailangan mo lang na dikdikin ang dahon upang kahit papa’no ay lumabas ang katas nito at saka mo ipapahid ang dinikdik na dahon sa mismong bahagi ng iyong katawan na may sugat.

3.Mabahong Hininga. Ang Ikmo ay nagagamit  rin bilang nganga ng mga matatanda lalo na ang mga nasa probinsya nating mga lolo at lola. Subalit hindi lamang ito para sa matatanda, kahit anong edad ay maaaring ngumuya ng dahon ng Ikmo upang ang hindi magandang amoy ng bibig ay mawala.

4.Sakit ng Ulo. Kung makakaramdam ka naman ng pananakit ng ulo ay maaari mong itapal mismo ang dahon ng ikmo sa iyong noo at maging sa sentido. Hayaan lamang itong nakatapal hanggang sa makaramdam ka ng ginhawa sa unti-unting pag-epekto nito.

5.Paninikip ng dibdib. Kapag nakaramdam ka naman na tila nahihirapan ka sa paghinga, kumuha ka ng langis at pahiran ang dahon ng Ikmo at saka ito itapal sa iyong dibdib. Mas maraming dahon ay mas epektibo. Hayaan lang itong nakatapal sa dibdib hanggang sa lumuwag ang iyong paghinga. fffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here