Herbal; HYSSOP

    May scientific name na Hyssopus officinalis, ang Hyssop ay isang halaman na kilala na bilang gamot. Matagal na itong napapakinabangan bilang herbal noong panahon pa man ng lola ng lola ko. Nabibilang ito sa mint family. Humahalimuyak ang amoy ng halamang ito kaya naman maganda itong itanim sa mga bakuran. Hindi lang maganda sa paningin kundi babango rin ang paligid. Karaniwan itong matatagpuan sa hilagang bahagi ng Asya at mga bansa sa Europa.

    Dahil sa mga sustansya at kemikal na taglay Hyssop kaya marami  itong karamdaman na nakakayang malunasan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.

    1.Kawalan ng gana sa pagkain. Kapag ikaw ay nawalan ng gana kumain, maaari mong ilaga ang bulaklak ng Hyssop at gawing tsaa upang mabalik ang gana mo sa pagkain. Isang baso lamang nito sa isang araw ang kailangan mo. Huwag mo lamang lalagyan ng asukal.

    2.Paninilaw ng balat. Kung ang balat mo ay naninilaw, maaaring senyales ito na ikaw ay may dinadalang karamdaman na may kinalaman sa iyong atay. Matutulungan ka ng halamang Hyssop sa pamamagitan ng pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak nito o kaya ay pinaglagaan ng dahon.

    3.Pananakit ng lalamunan. Kapag naman naramdaman mo ang hindi magandang kondisyon ng iyong lalamunan, ang pinaglagaan ng halamang Hyssop ay maaari mong gamiting na pangmumog. Mga tatlong beses sa isang araw mo ito gawin at makakaramdam ka ng ginhawa sa lalamunan.

    4.Ubo. Simpleng ubo man o malala ay maaari ring malunasan ng Hyssop. Kailangan mo lang din na inumin ang pinaglagaan ng halamang ito at hindi magtatagal ay agad mong makikita ang epekto nito sa’yo.

    5.Gallbladder. Ang Hyssop ay makakatulong din sa may kondisyon na gallbladder. Tulad ng ibang proseso ay kailangan ding inumin ang pinaglagaan nito.

    6. Hika. Mabisang gamot din ang halamang ito na ginagawang tea para sa may mga hika. Ang pag-inom ng pinaglagaan nito ay nakakapagpaluwag ng paghinga.

    7.Sugat at impeksyon sa balat. Ang tinamong sugat ay kayang pagalingin ng Hyssop sa pamamagitan ng pagtapal dito ng dinikdik na bulaklak at dahon nito. Ganoon din ang proseso kung nais mo namang gamutin ang iba pang impeksyon sa balat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here