Herbal; GUMAMELA

0
138

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hibiscus rosa sinensis-Linn o mas kilala sa tawag na Gumamela. Isang napakagandang bulaklak na may kapaki-pakinabang na gamit bilang herbal.Isa itong ornamental na bulaklak na tumutubo sa maraming panig ng Pilipinas. Ginagamit ito bilang expectorant sa bronchitis, ubo at bilang refrigerant drink para naman sa lagnat. Ginagamit din ang bulaklak na ito biang herbal teas. Kung gusto mo na gamitin ang Gumamela bilang gamot, kailangan mo munang maintindihan kung ano ang mga parte ng bulaklak na ito ang dapat mong gamitin nang sa ganon ay magamit mo ang pinakaepektibo.

Anthers- Ito yung male part ng bulaklak at konektado sa pollen sac ng bulaklak. Kung ang ibang bulaklak ay may apat hanggang limang anthers, ang gumamela ay may labingdalawa.

Stamen Tube- Ito yung nakadikit sa anthers at nagke-create ng mahaba at manipis na tube na tinawag na stamina column. Gumamela lang ang meron nito.

Style- Ito naman ang ovary ng bulaklak. Dito nagfefertilized ang bulaklak.

Stigma- Ang stigma ang siyang tumatanggap ng pollen grains. Ito ay nagtataglay ng flower ovules.

Petals- Ito ay tinatawag ding corolla. Ang petals, dried man o fresh ang siyang parte ng bulaklak na kalimitang ginagamit na pangtreatment.

Sepals- Ang sepals ay matatagpuan sa ibabaw ng stem ng bulaklak. Sila yung malilit na dahon na siyang pumoprotekta sa bulaklak habang ito ay usbong pa lamang.

Root- Ang ugat ng gumamela na matatagpuan sa ilalim ng lupa ay ginagamit din bilang medicine at remedies.

Narito naman ang iba pang mga kapakinabangan ng Gumamela bilang gamot.

1.Kapag pinaghalo mo ang katas ng gumamela at olive oil, maaari mo itong gamitin bilang pampaganda ng iyong buhok. Gagawin mo itong parang shampoo.

2.Sa Venezuela, ito ay nagagamit din bilang panlaban sa tumor.

3.Sa Carribean ay ginagamit naman ito bilang anti-inflammatory.

4.Napapakinabangan din ang petals nito kapag sumasakit ang iyong ulo.

5.Ang decoction mula sa ugat ng pula at puting gumamela ay ginagamit din bilang antidote sa nalason.

6.Ang bark ay napapakinabangan din upang magnormalize ang sirang menstruation.

Ilan lang ang mga iyan sa mga kapakinabangang makukuha mo mula sa bulaklak na Gumamela na native dito sa ating bansa. S

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here