HERBAL: Chromolaena Odorata

0
148

Pamilyar ba sa’yo ang halaman na nagngangalang Chromolaena Odorata? Kung hindi pa, narito ang ilang kaalaman tungkol sa halamang ito. Ito ay tinatawag ding Christmas Bush at Akintola leaf. Bukod dito ay marami pa itong katawagan. Subalit mas pagtutuunan natin ngayon ng pansin ang mga benepisyo na maaari nating makuha mula sa halamang ito. Nagiging mabagal ang pagtubo ng mga dahon nito kung ito ay hindi naaarawan ng sapat. Pero kung lalago naman ito ng mabilis at masyadong marami ay maaari itong makaperwisyo sa mga magsasaka.

Ang dahon Chromolaena Odorata ay nagtataglay ng mga sumusunod na nutrition.

Phenol, Alkaloids,Triterpenoid, Tannin, flavonoid at limonen. Ang mga nutrition contents na ito ang dahilan ng mga benepisyong maibibigay ng Chromolaena para sa mga magsasaka at sa kalusugan ng tao. Noon pa man ay napapakinabangan na ito ng mga tao na nakakaalam kung paano ito ginagamit bilang alternatibong gamot. Narito ang ilan sa mga benepisyo.

PAMPAWALA NG SAKIT NG LIKOD AT KATAWAN

Ang kalahating baso ng pinaglagaan ng dahon nito ay maaaring inumin sa umaga at sa gabi sa loob ng isang linggo upang mawala ang nararamdamang pananakit ng katawan at likod.

MAKAKAIWAS SA SAKIT NA DIABETES

Kung iinom ka ng Chromolaena tea ay makakatulong ito upang makaiwas ka sa diabetes. Kailangan mo lang mamintina ang pag-inom nito upang maging epektibo.

GAMOT SA VERTIGO

Ang pinaglagaan ng chromolaena ay makakatulong bilang gamot kung ikaw ay may sakit na tinatawag na vertigo. Hindi mo dapat balewalain ang sakit na ito na kung mapapabayaan ay magreresulta ng kamatayan.

GAMOT SA ULCER.

Kung inaatake ka naman ng ulcer ay maaari mo din inumin ang chromolaena tea o pinaglagaan lang ng dahon nito. May kakayahan itong magamot ng tuluyan ang iyong ulcer kung itutuloy-tuloy mo lang ang pag-inom nito.

MAKAKAIWAS SA CERVICAL CANCER

Nakakatakot na sakit para sa mga kababaihan ang tinatawag na cervical cancer. Kung nais natin maiwasan na magkaroon nito ay maari nating subukan ang pag-inom ng chromolaena odorata tea.

MAKAKAPAGPAGALING NG CYST

Kung ikaw naman ay nagkaroon ng cyst, maari mong mapakinabangan ang chromolaena odorata para mabilis kang gumaling.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More K-Pop

More Beauty and Health

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here