HERBAL: Bayabas

Sa Pilipinas ay kilalang kilala na natin ang bayabas. Ang puno ng bayabas ay tumutubo sa mga tropical na lugar at ito ay kilalang mayaman sa vitamin A and C. Dahil naman sa taglay nitong antiseptic properties ay mahusay din ang bayabas bilang halamang gamot. Ang mga bunga at dahon nito ay may mabibisang sangkap tulad ng Eugenol at flavonoids. Ang mga sangkap na ito ay may kakayahang magpagaling ng sugat, magpahupa ng pamamaga,paso at paltos sa balat,eksema, galos, kabag, pagtatae, antioxidant, pamumulikat, ubo, diabetes , kanser at marami pang iba.

Narito ang ilang naging siyentipikong pag-aaral sa bayabas bilang halamang gamot.

Nangangalaga sa kidney. Ayon sa mga dalubhasa, ang bunga ng bayabas ay nakatutulong na mapangalagaan ang kidney laban sa pamiminsala ng sakit na diabetes. Ang antioxidant na sangkap nito ang siyang lumalaban sa pamamaga at nagpapababa ng blood sugar.

Laban sa diabetes. Ang bayabas ay isang malaking potential sa pagcontrol sa sakit na diabetes. Ang katas ng bayabas ang sinasabing nakakapagpababa ng fasting blood sugar.

Laban sa pagtatae. Ayon sa resulta ng isang pag-aaral, ang mga pinatubong mikrobyo gamit ang agar plates ay pinatakan ng katas ng bayabas na may halong tubig. Dahil sa katas na ito ng bayabas, ang pagtubo ng mikrobyo ay nahadlangan.

Bilang antioxidant. Ang sangkap na flavonoids ng bayabas ay nakakatulong upang hindi masira ang mga selula at tissues dahil sa free radicals. Kaya naman ang katas ng bayabas ay masasabing antioxidant na pwedeng ipanlaban sa mga sakit na dala ng free radicals.

Narito  ang ilan pang gamit sa bayabas.

1.Maaari itong gamitin bilang moutwash o pangmumog.

2.Bilang panghugas sa sugat, ang pinaglagaan ng dahon nito ay ihugas sa apektadong bahagi ng tatlong beses kada araw.

3.Maaari din itong upuan o gamiting panghugas sa pwerta ng bagong panganak upang mapabilis ang paghilom ng sugat mula sa panganganak.

4.Ang pagnguya ng dahon ng bayabas ay lunas sa sakit ng ngipin at pamamaga ng gilagid.

Gayunpaman, sa kabila ng kagalingan ng bayabas bilang halamang gamot, hindi rin dapat sobrahan ang pagkain nito dahil ito ay nakakapagpatigas ng dumi kapag nasobrahan. Lagi nating tatandaan na ang lahat ng sobra ay nakasasama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here