Herbal; BALATONG-ASO

0
101
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

May scientific name na Cassia occidentalis, ang Balatong-aso ay isang halaman na may magandang bulaklak na kulay dilaw. Ito ay karaniwang tumutubo sa mabababang lugar sa Pilipinas. Ito ay nagmula sa kontinente ng Amerika. Ang buto, tangkay at dahon ng Balatong-aso ay nagtataglay ng napakaraming sustansya at kemikal kung kaya’t ito ay may malaking pakinabang pagdating sa ating kalusugan. Ilan sa mga tinataglay nito ay water, sugar, calcium, malic acid, sodium chloride, magnesium sulphate, iron, silica, alcaloid, cathartin at marami pang iba. Bukod dito, ang mga buto nito ay maaari ring tustahin para maging kape.

Ang mga sumusunod ay ang mga karamdamang maaaring malunasan ng Balatong-aso.

1.Mahirap na pagdumi. Kung ikaw ay nakakaranas ng hindi magandang kondisyon sa pagdumi tulad ng pagtitibi, ilaga mo lamang ang halamang ito at inumin. Hintayin mo ang pag-epekto nito sa loob lamang ng ilang oras.

2.Sakit sa balat. Kung ikaw naman ay may sakit sa balat gaya ng buni, galis at kurikong, makakatulong din sa iyo ang Balatong-aso. Dikdikin mo lamang ang mga dahon nito at siya mong ipapahid sa balat na apektado ng mga bacteria.

3.Tuklaw ng ahas. Kung ikaw ay nasugatan dahil sa pagkakatuklaw ng ahas, maaari kang magdikdik ng ugat at dahon ng Balatong-ahas para magamit mo bilang gamot. Itatapal mo lang sa mismong sugat ang pinagdikdikan nito.

4.Tulo. Makakatulong din sa may tulo ang Balatong-aso. Ilaga lamang ang ugat nito at siyang inumin ng madalas. Bagamat mapait ang ugat nito ay kailangan itong tiisin at gawing regular ang pag-inom.

5.Pananakit ng sikmura. Kaya ring malunasan ng Balatong-aso ang pananakit o paghapdi ng sikmura. Sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom dito.

6.Diabetes. Maging ang sakit na pinoproblema ng mga diabetic ay mabibigyang lunas rin ng Balatong-aso. Ang balat ng kahoy ng halaman na ito ay kailangang ibabad ng isa hanggang dalawag araw at maaari rin namang higit pa at saka ito inumin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here