Herbal; ADELFA

0
172

May scientific name na Nerium Indicum Mill, ang Adelfa ay may bulaklak na kulay lila at mabangong amoy. Maliit lamang ang puno nito na karaniwan nating makikita sa mga hardin at bakuran. Kung minsan naman ay nasa gilid lang ng mga kalsada dahil madali lamang tumubo ang Adelfa. Ang dahon nito ay matulis at mahaba gayundin ang bunga na puno ng mga buto. Ang halaman na ito ay nagtataglay ng mga kemikal na alkaloids, tannins, flavonoids, amino acids, phenols, glycosides, steroids, loco anthocyanidine, carbohydrates at terpenoids. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sakit na maaari nitong malapatan ng solusyon.

1.Pigsa. Kung ikaw ay may pigsa at hindi mo ito mapisa-pisa, subukan mo na lang pahiran ng dinikdik na dahon ng Adelfa. Ulit-ulitin mo lang itong gawin at kusang mapipisa ang iyong pigsa at lalabas ang mga nana na sanhi ng pagkirot nito.

2.Kagat ng ahas. Ang kagat ng ahas ay delikado at dapat agad malapatan ng lunas. Matapos itong mabigyan ng paunang lunas, maaari mo na itong tapalan ng dahon ng Adelfa upang mabilis na maghilom ang sugat.

3.Buni. Kung ikaw naman ay nagkaroon ng buni na ubod ng kati, kailangan mo lang na pagsamahin ang dinikdin na sanga at dahon ng Adelfa at saka mo ito hahaluan ng langis ng niyog. Kapag nagawa mo na ito ay maaari mo na itong gamitin pamahid sa mga bahagi ng iyong balat na may buni.

4.Eczema. Katulad ng prosesong pamahid para sa buni, hahaluan mo lang din ng langis ng niyog ang pinaghalong dinikdik na sanga at dahon ng Adelfa at ito ay magagamit mo na rin bilang pamahid sa iyong eczema. Magagawa nitong patuyuin ang sugat at maaalis din nito ang pangangati at pamamanas.

Kung ang iyong kondisyon ay hindi pa rin makakayanang solusyunan ng herbal na ito,dapat ka nang kumonsulta sa doktor nang sa gayon ay malaman mo ang tunay mong kalagayan at malapatan ka ng mas mainam na lunas na iyong kinakailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here