Health Benefits of Celery Juice

0
177

Ang celery o kintsay ay miyembro ng carrot family. Ang halaman at buto nito ay mayroong vitamin K, vitamin A, vitamins B2 and B6 at vitamin C, minerals at antioxidants. Nagtataglay din ito ng folate,potassium, manganese, pantothenic acid at dietary fiber.

Kung ito ay gagawin nating juice, anu-ano kayang mga benepisyo ang maaari nating makuha mula rito?

Lowers cholesterol level

Sinasabing ang pag-inom ng celery juice araw-araw ay maaaring makapagpababa ng artery clogging cholesterol o yung tinatawag nating bad cholesterol. Ang mababang cholesterol ay nangangahulugan ng less plaque sa artery walls. At nangangahulugan din ito ng pagbuti ng kalagayan ng ating puso. Ang fiber na taglay rin nito ang siya naman naninimot sa mga cholesterol sa pamamagitan ng regular na pagdumi.

Reduces blood pressure

Ang phthalides na tinataglay ng celery ay isang organic chemical compounds na siyang nakakapagpababa sa level ng stress hormones sa ating dugo. May hypolipidemic na epekto rin sa ating katawan ang pag-inum ng celery juice. Binibigyan nito ng pagkakataon ang ating dugo na mag-expand at hinahayaan ang dugo na makagalaw ng mabuti na siyang dahilan para bumaba ang pressure.

Lowers arthritis pain

Ang pag-inom ng celery juice ay mainam para sa mga nakararanas ng arthritis, rheumatism at gout. Mayroon itong anti-inflammatory properties na siyang tumutulong para mabawasan ang nararamdamang sakit at pamamaga sa paligid ng dugsungan ng buto.

Boosts immune system

Kung gagawing regular ang pag-inom ng celery juice, magagawa nitong palakasin ang ating immune system at gawin itong aktibo. Ito ay dahil sa taglay nitong vitamin C at antioxidants. Kaya kung aaraw-arawin ang pag-inom at pagkain ng gulay na ito na mayaman sa vitamin C ay makakaiwas ka sa pagkakaroon ng ubo, sipon at iba pang sakit.

Prevents urinary tract infections

Ang celery seeds ay nakakatulong naman sa eliminasyon ng uric acid dahil ito ay karaniwang ginagamit para sa diuretic properties. Ito ay mainam din sa mga taong may bladder disorders, kidney problems, cystitis at iba pang katulad na kondisyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here