Happy Wife, Happy Life: 5 Paraan Para Mas Guminhawa ang Buhay Mag-asawa

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

“Happy wife, happy life” ay isang maikling testamento na pinapaniwalaan ng maraming kalalakihan at mga kababaihan na pumapasok sa isang masayang marriage.

Diumano, ayon sa isang pag-aaral kung saan nakita nila ang kanilang mga participants na mag-aasawa na masasaya sa kani-kanilang mga kasal ay mas kaunti ang tsansa na mamatay within eight-year period. Ang mga researchers ay naniniwala na kung ang isa ay kontento sa kanilang mga partner sa buhay ay mas motivated din ang mga ito na mag-lead ng isang aktibong lifestyle.

Sa kabila namang banda, kung ikaw naman ay nakatira sa iisang bahay kasama ang isang “depressed” na partner at gusto ninyo lang ibuhos ang inyong mga gabi sa, “unhealthy habits” katulad ng pag kain ng tsitsirya o pag-inom ng alak, naaapektuhan ang inyong kalusugan sa hindi magandang paraan.

Ito ang tips para mas guminhawa ang buhay ninyong mag-asawa. Maiikli man, pero kung susundin ninyo ay makakatulong sa inyo ng lubusan.

1. Communication lang ang katapat nang tampo ni Misis

Kapag nagkaroon na kayo ng away, importante na mapag-usapan ninyo ito ng maayos nang hindi kayo nagsisigawan at nagsasabihan ng masasakit na salita. Alamin ano ang problema at isipan ito ng solusyon as partners. Pag isa lang ang willing mag give in, at ang isa ay puro pride lang, talagang mahihirapan kayo. Tandaan na ang communication ay sobrang importante sa isang relasyon. Kapag nag-settle kayo sa silent wars o ang hindi pag-iimikan, mas mahihirapan kayo in the long run. Kung mapag-uusapan na, pag-usapan na dahil baka maipon lang lahat ng tampo ninyo sa isa’t isa.

2. Huwag matulog nang mag-kaaway

Okay lang na bigyan ninyo ng space ang bawat isa, pero huwag kayong matutulog na may tampo sa isa’t isa. Magsuyuan na kayo para hindi sama ng loob ang mapanaginipan ninyo.

3. Lutuan si Mister ng masarap na pagkain

Paraan ng paglambing kay Mister ay ang pagluto ng mga paborito niyang pagkain. Dapat hindi lang si misis ang nilalambing, dapat nilalambing nila ang kanilang mga asawa. Kapag ginawa mo ito, mas gugustuhin ng asawa mo na umuwi agad sa bahay kaysa lumabas pa at humanap ng happiness sa ibang lugar.

4. Magtalik pa rin kahit busy sa trabaho

Intimacy pa rin ang importante sa mag-asawa para hindi malayo ang loob nila sa isa’t isa. Above all, mahalaga talaga ang non-verbal communication kaysa sa mga sweet na salita.

5. Go out on exciting adventures

Pumunta kayo sa mga lugar na hindi ninyo pa napupuntahan and explore on things na hindi ninyo pa nakikita noon. This way, mas umiinit ang excitement ng relasyon ninyong dalawa. Kahit may mga anak na kayo, gawin ninyo ito once in a while para hindi ninyo maramdaman ang cycle at routine ng life ninyo.

SHARE
Previous articleANG HIWAGA NG ABRACADABRA
Next articlePamahiin; SUGAL
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here