Hanggang saan March 26: Naghahanda na si Jacob sa pagtakas

Sa Hanggang saan March 26, alam ni Jacob (Ariel Rivera) na malapit na siyang masukol sa mga kasalanan niya kaya itutuloy niya ang planong pagtakas kahit anong mangyari. At isasama niya si Jean (Teresa Loyzaga). Bagamat pinagdududahan niya ito ay hindi siya makakapayag na magkahiwalay sila. Kaya sisiguraduhin niya na makakatakas silang dalawa sa lalong madaling panahon.

Lingid kay Jacob ay may hidden cam na nakalagay sa isang figurine para masubaybayan ang bawat kilos niya. Napatingin pa nga siya dito at tila nag-iisip. Buti na lang at lumabas si Jean mula sa kuwarto at inaya na siya nitong matulog. Tinanong pa niya si Jean kung regalo ba nito sa kanya, oo na lang ang sinagot ng babae at sinabing sa dami ng regalo niya ay hindi na niya matandaan. Nakatutok dito sina Mabel (Sharmaine Suarez) at Katrina (Jenny Miller) na mga bumaligtad na sa kanya. Samantalang ang kasabwat niyang pulis ay hindi na rin nagugustuhan ang itinatakbo ng pangyayari dahil hindi siya nababayaran ni Jacob.

Samantala, emosyonal pa rin si Anna  (Sue Ramirez) dahil sa ina. Sinabi pa niya na sana ay tulad na lang ni Sonya (Sylvia Sanchez) ang naging ina niya. Pero syempre pa hindi ito tinanggap ni Sonya at sa halip ay ipinaliwanag niya at ipinaintindi kay Anna ang sitwasyon ng mommy niya. Pinayuhan ni Sonya si Anna na tungkol sa ina nito. Lalo pa at alam niya ang katotohanan kung bakit kailangan manatili ni Jean sa tabi ni Jacob kahit pa delikado. Ang sikreto nilang ito ay parehong nagpapahirap sa kalooban nila pero bilang mga ina ay gagawin nila ang lahat huwag lamang malagay sa panganib ang mga anak. Sinabihan din ni Sonya si Anna na huwag iwasan si Paco (Arjo Atayde) dahil hindi naman bawal na maging magkaibigan ang mag-ex na.

Sa susunod na episode ay gagawin na ni Jacob ang pagtakas, mahadlangan kaya siya ng mga pulis at nina Sonya? Abangan natin bukas sa Hanggang saan.