Hanggang Kailan Mo Siya Iibigin

Kapag nagmahal ka, ibig mo sanang maging kayo na forever kaya nga lang, hindi ;yan nangyayari dahil ang pag-ibig naman ay hindi lang nakabase sa atraksyon ninyo sa isa’t isa. Nagkakaroon ng komplikasyon kapag hindi kayo nagkakasundo ng kasintahan mo. Huwag ka na mag-alala kung sakali kang ma-broken hearted ka sa first boyfriend mo dahil hindi lang naman siya ang lalaki sa mundong ito kaya sa tamang panahon ay makikilalamo rin ang lalaking nakatadhana para sa’yo.

Iyon nga lang, dapat bago kayo magpakasal ay kilalanin muna ninyo ang isa’t isa. Dapat ay alam na ninyo ang ugali ng bawat isa kaya makabubuting tanggalin ninyo ang pagkukunwari kapag magkarelasyon kayo. Mas maigi na kasi kung alam ninyo ang katangian at kaintasan ng bawat isa dahil kung hindi, mauuwi lang din kayo sa hiwalayan. At alam ko naman hindi mo rin iyon gugustuhin.

May mga babae naman na kahit na-realize na nila na masama ang ugali ng kanilang asawa ay hindi mahiwalayan ito dahil ibig niyang panindigan talaga ang kanilang pagsasama. Okay naman sana ito dahil sabi nga sa kasal, kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa mga taong binuklod ng Diyos. Kaya lang kung sobra na siyang pahira sa’yom ‘yung tipong binubugbogka niya, pinagtatrabaho habang siya ay nakahilata lang at kinukontrol niya ang buhay mo, kailanganmong matauhan.

Masarap naman talaga ang magmahal pero kailangan naman ay mas mahalin mo ang iyong sarili. Kailangan ay matuti ka ring huminto kung alam mong wala ng patutunguhan ang inyong pagsasama. Masakit pero kailangan mong tanggapin ang salitang ‘move on’. Dahil iyon ang the best ara sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here