Handa ka na ba sa “The Big One” Earthquake?

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Metropolitang Manila Development Authority (MMDA), Japan International Cooperation Agency (JICA), at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magkakaroon ng labing walong malalakas na lindol sa Pilipinas. Ang isang scenario ay mangyayari sa West Valley Fault, na may lakas na 7.2-magnitude, ang isa ay sa Manila trench na may lakas na 7.9-magnitude, at 6.5 magnitude naman sa bandang Manila Bay. Ang kaganapan na na-predict sa bandang West Valley Fault, na may isang daang (100) kilometrong fault na aapekto sa anim (6) na siyudad sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya ay ang sinasabing pinakamalalang mangyayari, at ito ang “The Big One”.

Ang pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas ay isang offshore 8.3-magnitude sa Mindanao noong 1920s. Ang 7.2 magnitude earthquake na tatagal nang tatlompung segundo ay maaaring pumatay ng 34,000 katao. Ang estima na ito ay hindi pa sinasama ang ibang mga sakuna katulad ng apoy at iba pa.

Ayon sa Metropolitan Manila Earthquake Impace Reduction Study (MMEIRS), ang isang 7.2-magnitude earthquake sa West Valley Fault ay maaaring magresulta sa pagkagiba ng 170,000 residential houses at pagkamatay ng 34,000 katao. 114,000 ang masusugatan at 340,000 na bahay ang magiging partially damaged.

May posibilidad din na bumagsak ang pitong (7) tulay at sampung porsyento (10%) ng public building ay magiging heavily damaged.

Ang 4,615 kilometrong water distribution pipes ay makakaranas ng 4,000 points ng pagkasira. 30 kilometro ng electric cable ay mapuputol at 95 kilometro ng communication cables ay madidisconnect. At sa kasamaang palad, ang cellular phone service ay hindi rin magagamit sa ganitong pangyayari.

While this paints a horrifying picture, hindi pa rin huli ang lahat para maghanda. Ikaw, handa ka na ba? Ito ang mga dapat mong gawin:

1. Maghanda ng iyong “Go Bag”

Ang “Go Bag” ang bag na dadalhin mo kapag tumama na ang isang malaking sakuna. Sa inyong pamilya, dapat lahat kayo ay merong tig-iisang Go Bag. Ang mga nakakatanda ay dapat alalayan ang kanilang mga anak na maliliit pa na ihanda ito. Ang laman nito ay:

-First Aid Kit para sa mga injuries na maaari ninyong matamo

-Basic tools na magagamit in case ma-stuck kayo sa isang lugar

-Water filtration system

-Sleeping bag

-Tent

-Anti-bacterial wipes

-Ready-to-eat food

-Pain killers

-Individual medicines nang mga kasama ninyong may sakit

-Water

-Navigation tools

-Clothing

-Lighting

2. Huwag magpanic

Ihanda ang pamilya mo na huwag magpanic kapag may sakunang nangyari sa inyong lugar. Kapag na-train ninyo ang mga anak ninyo na huwag mag-panic, hindi kayo mapaparalyze kapag nangyari na ang sakuna.

3. Maghanda ng emergency plan

Pag-usapan ninyo kung ano evacuation plan ninyo kung sakaling dumating na ang The Big One. Malaking bagay ito para hindi kayo mangamba kung sakaling ito’y mangyayari na.

Nakakatakot kapag dumating na ang “The Big One”, kaya maging handa na at maging alerto!

SHARE
Previous articlePamahiin Unan: Di ka ba makatulog?
Next articleDear Maria: Inaagaw ang aking Mister
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here