Hamburger at french fries, sanhi ng Dementia

    Nakakalungkot talagang isipin na darating ang araw na hindi na tayo maaalala pa ng mga magulang natin dahil magkakaroon sila ng dementia. Kahit pa gaano pa katalas ang memorya mo nu’ng kabataan mo, malaki ang posibilidad na kapag lumipas ang ilang dekada ay marami ka na ring hindi maaalala. At tiyak na masasaktan ka ng husto kapag di ka na kilala pa ng taong mahal na mahal mo.

    Para rin sa’yong kaalaman, hindi lang ang matatanda ang maaaring dapuan ng dementia, pati na rin ikaw, lalo pa tulad ng french fries, burger, pizza, at kung anu-ano pang mamantikang pagkain. Ito ay ayon na rin sa mga Japanese researchers. Nagsagawa kasi sila ng pagsasaliksik sa 1,600 katao na lagpas na sa edad 60. Doon nila napatunayan na ang mga taong mayroong dementia ay mahihilig sa mamantikang pagkain.

    Sa pamamagitan kasi ng blood test ay napag-alam nila na ang trans fats na nasa kanilang katawan ay nasa 52 percent. Kaya naman nakakaramdam sila ng pamamaga na ang dahilan ay ang trans fat at protein na tinatawag na amyloid. Ang trans fats at amyloids ay natuklasang sanhi nga ng pagkakaroon ng dementia.

    Ngayon, gaano mo kapaborito ang mga mamantikang pagkain? Okay lang naman na kahiligan mo ang mga pagkaing ito. Talaga naman kasing napakasasarap ng hamburger at french fries, pati na rin ang pizza. Kaso lang, dapat at paghandaan mo na rin ang maaaring mangyari sa’yo pagdating ng araw.

    Source:https://www.dailymail.co.uk/health/article-7605567/People-eat-trans-fats-likely-dementia.html

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here