HALAMANG GAMOT – “HALAMANG GAMOT SA DIABETES.”

“It destroys many of the organs in our body. It’s the No. 1 cause of blindness, the No. 1 cause of kidney failure that leads to dialysis and transplants. It destroys or blocks the blood vessels in the heart, in the brain, and in the legs, so that the risk of getting a heart attack or stroke, or leg amputation.”  Ito ay ayon sa mga doctor.       

     Nakarami na ng mga Pinoy ang may sakit ng diabetes at papararami pa ng paparami. Nakakatakot na karamdaman pero maiiwasan at malulunasan gamit ang mga halamang gamot.

     Narito ang ilang sa halamang gamot para sa diabetes;

  1. Ampalaya-mayaman sa mga nutrients na nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar level o asukal sa dugo. Mayroon rin itong mga sangkap na may kakayahang pataasin ang insulin na galing sa pancreas.

2) Sambong – Ang sambong ay mainam na pampabagal sa pag-absorb ng katawan sa carbohydrates. Maglaga lamang ng ilang sariwang dahon ng sambong at gawin itong tsaa. Gawin itong pampalit sa kape tuwing umaga.

3) Okra – Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang okra ay mayroong taglay na superior insoluble fibre na pinaniniwalaang nag-aayos ng blood glucose level sa pamamagitan ng pagdahan-dahang pag-absorb ng asukal mula sa intestinal tract.

4) Aloe vera – Ang halamang ito ay isang common na pananim na maraming pakinabang. Isa na riyan ang pagamot sa diabetes. Ayon sa masusing pag-aaral, napatunayan na ang aloe vera ay tumutulong sa pagdagdag ng bilang ng insulin na napo-produce ng pancreas.

 5) Sibuyas – Ang sibuyas ay nakakatulong sa pagpababa ng low density lipoprotein o mas kilala bilang bad cholesterol sa mga taong matataba. Kung kaya’t nababawasan nito ang pagtaas ng risk na lumala ang komplikasyong hatid ng diabetes.

6) Ginger o luya – Ang luya ay isa pang uri ng halamang gamot na matagal ng ginagamit sa mga traditional medicine systems. Sa pagtagal ng pag-aaral ng mga eksperto, lumalabas rin na ang sustansyang taglay ng luya ay nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas at komplikasyon ng diabetes.

7) Banaba – Maglaga ng sariwang dahon, balat, at kahoy ng banaba. Alam mo bang ang banaba ay may taglay na tannin, corsolic, at agerstroemin? Ito ang mga kemikal na nakakatulong na pababain ang sugar glucose level ng katawan ng isang tao.

8) Dahon ng mangga – Ang mga masustansyang compound na nakukuha sa dahon ng mangga katulad ng caffeic acid, gallic acid, at iba pa ay nakakatulong sa pag control ng blood sugar level at pati na rin ang cholesterol level.

9) Garlic o bawang – Ayon sa pag-aaral noong 2006, ang hilaw na bawang ay nakakatulong upang mapababa ang cholesterol level at high blood pressure. Napatunayan rin na ang bawang ay mabisang pampababa ng blood sugar level.

     Bukod sa paggamit ng mga halamang gamot sa itaas dapat na umiwas  ang mga may diabetes sa anumang matatamis na pagkain. Lubhang kailangan din nila ang exercise  araw-araw na kung kailan ay dapat silang  pawisan.

    Sa kabuan ,  a healhty living is most needed ng may sakit na diabetes.

SHARE
Previous articlePamahiin Sapatos: Barya Kapalit
Next articleBakit hindi ka dapat makipag-close sa isang tao?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here