Hackers, kayang pasukin ang cellphone mo kahit anong oras

72

Sa paglago ng mundo ng teknolohiya lumalago din ang dami ng mga “hackers.” Maaaring hindi mo lang alam pero ang cellphone mo ay na hack na.

Oo, tama ang nabasa mo cellphone mo mismo, dahil hindi lang Facebook account o social media ang maaring ma-hack ng isang magaling na hacker kundi cellphone mo, printer, tv, ilaw niyo sa bahay at kahit pa sasakyan mo. Lahat ng bagay na kumokonekta sa “wifi” o internet ay maaari ng ma-hack. Katulad nga ng sabi ko malago na ang mundo ng teknolohiya, walang limitasyon at walang restriction at walang imposible sa teknolohiya.

Isang halimbawa ng isang sikat na tao sa mundo ng teknolohiya ay si Edward Snowden dati siyang nag ta-trabaho sa CIA bilang isang hacker. Siya ang naglahad ng sikretong armas ng USA sa buong mundo isang aplikasyon kung saan lahat ng data, image, video, caller, messages, social media at iba pang nasa loob ng cellphone mo ay maaari nilang makita kahit hindi nila alam ang password mo. Isang pindot lang at pasok na sila sa iyong buong pagkatao. Halimbawa lang ito, marami pang ibang taonng kayang gumawa nito. Sapagkat laganap na ang hacking sa buong mundo at karamihan ay ginagamit ito upang makapanglamang ng kapwa.

Marami na ding nagsulputang mga application sa “google store” na ginagamit ng mga hacker para pasukin ang laman ng cellphone mo at kunin ang mga importanteng impormasyon. Katulad ng Contacts mo, Images, Videos (private), Call logs mo, at ang pinaka higit sa lahat ay ang access sa harap at likod na camera ng cellphone mo. Para silang mga espiya na binabantayan ka bente kwatro oras kapag ginusto nila.

Pakatatandaan na kapag nag iinstall o nag do-download ng kahit ano na galing sa internet laging babasahin ang terms and policy kahit nakakatamad pa. At laging titignan kung safe ang application base sa review ng mga tao, isa pa ay titignan ang “App permission” kung saan ikaw mismo ang mag co-control kung papayagan mo ba ang isang application na magamit o ma access ang iyong camera, contact, storage at iba pa.

Ang mundo ay unti-unting nagiging advance sa teknolohiya hindi malabong balang araw ay lahat tayo ay naka depende na sa teknolohiya. Ngunit, kaakibat ng tulong nito sa pang araw-araw na buhay natin maari ding magkaroon ng negatibong epekto pag hindi natin ito ginamit ng tama. Huwag kakalimutan ang payo ni kuya Kim na “maging mapanuri at mapagmatiyag.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here