Gustong iwanan ang career dahil sa pamilya

632
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,
Paano ba ang mag-isa? Iyan ang palagi kong tanong sa sarili ko mula nang mag-abroad ako at malayo sa pamilya ko. Hindi pala sapat na nakikita at nakakausap mo lang sila sa video. Ano pong gagawin ko, igi
give up ko ba ang career ko rito sa ibang bansa para makasama sila o mananatili sa kalungkutan para mabigyan sila ng magandang buhay?- Abby

Abby,

No! Huwag na huwag mong gagawin ‘yan dahil ikaw rin ang mawawalan. Hindi naman kasi habambuhay ay nandyan ang pamilya mo para ikaw ay suportahan kaya dapat lamang na ngayon pa lang ay matuto ka na. Hindi mo nasabi kung dalaga ka pa o may pamilya ka na. Kunsabagay, wala naman halos pagkakaiba iyon dahil mahal mo sila kaya nakakaramdam ka ng pangungulila. Mabigat nga lang kung ang iniwan mo ay ang mister at anak o mga anak dahil bilang asawa, maiisip na dapat naroroon ka sa tabi ng mister mo at siyempre gugustuhin mo ring makapiling at magabayan ang iyong anak o mga anak.

Naiintindihan ko naman ang paghihirap mo. Kung sanay ka sa piling ng iyong pamilya, talaga ngang mami-miss mo sila ng todo. Hindi rin magiging kataka-taka kung maisipan mo na lang na-i-give up ang career mo kaya lang, kailangan mong magpakatatag lalo na kung nais mong sila ay matulungan. Kaya, kung ako sa’yo ay makukontento ka na lang na makikita mo sila sa video chat.

Kahit na nasa malayo ka kung nakikita mo naman na abot-tenga ang kanilang ngiti, nakasisigurado akong mas masaya ang iyong pakiramdam kaysa naman kasama mo nga sila sa bahay pero nakikita mo ang kalungkutan sa kanilang mga mata dahil wala silang makain. Saka, kailangan mo ring isipin ang iyong kinabukasan. Kailangan mong magtrabaho para ikaw ay makaipon, kung dalaga ka, iyon ang dapat mong isipin. Kung sarili mo ng pamilya, isipin mong magandang buhay na maibibigay mo sa’yong mga anak. Mapag-aaral mo siya o sila sa magandang eskuwelahan kaya mas magandang kinabukasan ang maibibigay mo sa kanila.

Tandaan mo, hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng oportunidad para makapangibang bansa at magtrabaho. Isipin mo na lang na masuwerte ka kaya’t ang pagkakataong ibinigay sa’yo ng langit ay huwag mong balewalain. Maging masaya ka na lang na nakikita sila. Isa pa, ang panahon ay napakabilis lumipas kaya siguradong hindi mo mamamalayan na tapos na ang kontrata mo.

O, sana ay makatulong ang mga sinabi kong ito para mapagaan ko ang iyong kalooban.

4 COMMENTS

  1. Dear Maria,
    Isa akong magsasaka na lumuwas ng Maynila para hanapin ang anak ko na naglayas sa amin. sa bahay ng kapatid ko siya natagpuan at nagulat ako dahil hindi lang pala siya basta naglayas, kundi buntis siya at iyon ang dahilan kaya siya umalis sa amin, Para itago ang pagdadalngtao niya dahil nahihiya at natatakot siya sa akin at sa mga kapatid niya. Biyudo na ako at sinisikap na itaguyod silang limang magkakapatid. Gusto ko siyang pabalikin sa amin pero ayaw niya, ano bang dapat kong gawin?- Lito

    • Maria Angela Gonzales

      Maraming salamat sa’yong katanungan. Asahan mong sasagutin kita agad. Hintay mo na lang.

  2. Dear Maria,
    Meron po akong gwapong boyfriend at sikat sa sikat sa school. Kahit nakaisang taon na kami ay naiinsecure pa rin ako kapag may mga babaeng lumalapit sa kanya at nakikipagclose. Sabi niya wala lang daw iyon sa kanya at ako pa rin ang nag-iisa sa puso niya. Pero di ko pa rin maiwasan magselos. Ano po bang dapat kong gagawin para hindi ko na ito maramdaman?- Jane

  3. Cleofe Asuncion

    Dear Maria,
    Itago nyo na lang po ako sa pangalang Cleofe. Married pero walang anak. Bagong kasal lang po kami ng asawa ko pero alam na po niya na hindi ko siya mabibigyan ng anak. Kinumpirma po iyon ng doktor ko sa aming dalawa. Sa kabila noon ay pinakasalan niya pa rin ako. Hindi ko lang maalis sa isip ko ang pangamba na baka iwan niya rin ako kapag narealize niya na gusto niya palang magkaanak. Ano pong maipapayo nyo?- Cleofe

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here