Gusto na magpakamatay dahil namatay ang boyfriend

1141
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Mahal na mahal ko ang boyfriend ko kaya ng mamatay siya ay gusto ko na ring magpakamatay. Para kasing wala ng dahilan para ako ay mabuhay. Hindi na mangyayari ang mga plano namin. Bakit ganoon si God, parang ayaw niyang maging masaya ako? — Peachy 

Peachy,

Huwag mong isipin na porke nawala ang boyfriend mo, eh, pinaparusahan ka ni God. Na ayaw niyang maging happy ka. Huwag mong kuwestiyunin ang pagmamahal ni God. Mahal ka niya. Kaya lang, may mga pangyayari talaga na hindi mo mapipigilan. Tulad na lamang ng kamatayan. Hindi pa man tayo isinisilang sa mundo, nakalagay na sa Kanyang listahan kung hanggang tayo sa mundong ito. Kungganoon, huwag ka na magdamdam pa. Nagkataon lang na expired na ang buhay ng nobyo mo sa mundong ito.  

Ngunit, hindi porke namaalam na siya sa mundong ito ay gugustuhin mo na ring mamatay. Huwag kang maging selfish. Baka hindi mo alam, nasasaktan din naman ang parents mo kapag nakikita kang nahihirapan. Kaya, pilitin mong mag-move on. Mahirap pero kailangan mong kayanin dahil wala ka na rin namang magagawa. Masasaktan ka lang palagi kung mananatili kang nakakulong sa kahapon. Huwag mo naman siyempreng mabuhay na lang sa kalungkutan. Please lang, huwag mo na isipin ang tungkol sa pagpapakamatay.  

Masarap ang mabuhay, kailangan lagi mong iisipin ‘yan. Maaaring ngayon ay madilim na madilim ang tingin mo sa paligid pero kailangan mong tandaan na laging mayroong liwanag. Kailangan mo lang itong hanapin at alam kong matatagpuan mo ito sa piling ng iyong pamilya at mga kaibigan. Kailangan ding itutok mo ang iyong pansin sa mas mahalagang bagay. Kailangan mo itong gawin para malabanan ang sakit na iyong nararamdaman. Para hindi mo magawang sayangin ang iyong buhay. Tandaan mo, maraming tao ang nakikipaglaban para sa kanilang buhay samantalang ikaw, gugustuhin mong sumunod agad sa namayapa mong nobyo.  

Sa palagay mo ba, magugustuhan ng boyfriend mo ang iyong ginagawa. Hindi! Kung mahal ka niya, tiyak na nahihirapan din siyang nakikita kang naghihirap. Naniniwala ako na ang pisikal na katawan lang ng mga namayapa ang nawawala sa mundong ito pero ang nanatili pa rin silang nakabantay sa mga mahal nila sa buhay. Kaya, huwag mo namang hayaan na malungkot ang iyong mahal. Sige ka, baka mamaya ay multuhin ka niya. Maaari kasing hindi siya matatahimik sa kanyang kinaroroonan at kapag ganoon, magpapagala-gala lang siya sa mundong ito. Siguro naman, hindi mo rin gugustuhin iyon, hindi ba. Kung tunay mo siyang mahal, sigurado akong nanaisin mo ring makamtan ang kanyang katahimikan.  

Isipin mo na lang na may ibang plano si God sa’yo. Magtiwala ka na lang sa Kanya. Kapag nagawa mo iyon ay makakamtan mo rin ang kaligayahan na hinahangad mo. Hindi mo kailangang kalimutan ang yumao mong boyfriend. Alam kong kahit lumipas ang maraming taon, nanatili siyang nasa puso mo ngunit buhay ka pa, kaya okay lang na sa paglipas ng panahon ay naisin mo ring makahanap ng partner.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here