GUSTO KO HAPPY KA: 10 Vacation Tips Para Sayo at sa Pamilya Mo

Madalas kapag nagpa-plano ka ng vacation trip kasama ang pamilya mo, nakaka-stressful talaga. Hindi mo alam ano mga dapat dalhin at kung kakayanin mo ba makasama ang mga anak mo sa long travel ninyo. Pero wag kang kabahan dahil pwedeng pwede kang mag-checklist at sundin lamang ang tips na ito para seating pretty ka na sa buong biyahe ninyo.

1. Transportation, Venue, Room Secrets

Kapag alam mo na kung saan kayo pupunta, i-book mo na agad lahat through the Internet ang sasakyan ninyo (eroplano man o land travel ito). Susunod, icheck ang hotel kung saan kayo. Siguraduhin na kasya kayo dun at i-check ang reviews sa Internet. Kung mababa ang rating, humanap ng iba.

Tingnan kung pinapayagan ka ng isang airline na mag-book nang maaga para sa isang baby bassinet para sa infants below 8 months. Kung ikaw ay kasama ng iyong asawa o ng isa pang pang adult, maaaring maging perpekto kung mag-book ka ng mga upuan bukod sa bawat isa para malibang ninyo ang mga bata sa haba ng biyahe. Kung ang iyong flight ay magtatagal ng mahabang oras ay bumili ng upuan para sa sanggol.

 2. Easy Way to Pack your Things

Kapag lumilipad kasama ang mga bata, planuhin kung anong mga damit ang isusuot mo at ng iyong anak sa iyong patutunguhan. Ang isang bagay na dapat tandaan ay ang pag pack light, o pagdala ng konting damit. Gayunpaman, isaalang-alang ang klima at temperatura ng iyong patutunguhan kapag nag-iimpake.

Siguraduhing magdadala ka ng sapat na damit para inyong lahat. Bukod dito, isipin kung ano ang kailangan mo at ng iyong anak sa eroplano.

Dalhin ang mga pangunahing kaalaman tulad ng mga gamot, isang pangpalit na damit, pagkain, laruan, tablets, gadgets panglibang sa anak mo, wipes at diapers. Ilagay ang lahat ng ito sa isang backpack sa halip na shoulder bag.

 3. Importante ang Inyong Seguridad

Kung ito ang iyong unang beses na maglalakbay sa pamamagitan ng eroplano, magsearch ka sa Internet tungkol sa airport securities para hindi kayo maantala ng pamilya mo.

Alamin kung anong mga bagay ang pinahihintulutan o hindi pinahihintulutang dalhin o isakay sa eroplano. Subukan ding alamin kung kailangan mong mag-declare ng mga items bago pumasok sa security check.

Kung ang iyong anak ay sapat na ang edad upang makaintindi, ipaliwanag sa iyong anak ang tungkol sa seguridad sa paliparan.

 4. Health is Wealth

Magdala ng mga gamot at vitamins sa inyong trip. Huwag din kalimutan magdala ng air sick bags kung sakaling magkaron ng motion sickness ang inyong mga anak. Maglagay din sa bag ng mga baby wipes, tissue, bottled waters at hand towel.

 5. Snack Attack

Mabilis magutom ang mga bata, kung kaya’t magdala ka rin ng mga snacks na pwede nilang kainin habang nasa biyahe.        

Ang pinaka-huli kong tip ay mag-enjoy! Don’t stress on the little things. Not everything is perfect. Vacation ang pupuntahan mo kaya dapat makapag-unwind ka. Kung may tips ka pa na pwedeng idagdag, comment down below.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ

New Wave (English)     Facebook     YouTube

SHARE
Previous articleHumorscope May 28
Next articleDear Maria May 28: Ginayuma ng kabit si Mister
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here