Gumuho Man Ang Pangarap

1
349

edmar recto

Birthdate: January 21, 1955
Birth place: Batangas
Current address: Camella III, Muntinlupa city.
Writer and poet.
Pen name Torex

Latest posts by edmar recto (see all)

Naparam na lahat ang mga pangarap,

At bulang naglaho sa iisang iglap.

Hindi akalain maging sa hinagap,

Ang luksang balita ay hindi matanggap.

 

Kung ang kahirapan ang naging dahilan,

Kaya ang lunggati ay mangibang bayan.

At handang matiis hanggang sa sukdulan,

Maipag handa lang ang kinabukasan.

 

Sino bang may batid sa takda ng palad?

Pangingibang bansa daan sa pag unlad?

Dito ba ang lahat na mga napadpad?

Ang kagihawahan nila ba’y natupad.

 

Bukas na larawan ang mga balita.

Maraming tahanan’t relasyong nasira.

Hindi rin masukat ang  bumahang luha,

Na umuwing bangkay sa minulang bansa.

 

Isa lang ang hangad at tanging dahilan.

Kung bakit kay daming nangingibang bayan.

Ang akala nila dito ang kadluan,

Ng ginto at pilak na tanda ng yaman.

 

Likas lang marahil tao’y mapag hanap,

Walang kasiyahan laging nangangarap.

Kung maaari lang abutin ang ulap,

At ang kabiguan halos di matanggap.

 

Paulit ulit man’ng may umuwing bangkay,

At mga aninong may bigong salaysay.

Sa ugat ng Pinoy ay nananalaytay,

Ang dugong palaban at handang mamatay.

 

Kahit pa gumuho ang mga pangarap,

Ang bagong bayani hindi paaandap.

Sukdulang harapin ang lahat ng hirap,

Sila ay patuloy na magsusumikap.

SHARE
Previous articleThe Good Son Review: Ang tunay na Anthony
Next articleHoroscope, Pebrero 25, 2018
Birthdate: January 21, 1955 Birth place: Batangas Current address: Camella III, Muntinlupa city. Writer and poet. Pen name Torex

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here