GUHIT SA PALAD, MAKAPAGSASABI NG MAGIGING KAPALARAN NG IYONG BUHAY PAG-IBIG!

159

Sinasabi na nakaguhit na sa ating palad ang ating kapalaran.

        Ito ang prinsipyong sinusunod ng Palmistry.

        Ang palmistry ay isang siyensiya ng pagbabasa ng guhit ng palad upang alamin ang magiging kapalaran ng isang tao.

        Sa tulong ng mga guhit ng palad, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng ideya sa kaniyang magiging kapalaran sa kabuhayan, kamatayan, at maging sa buhay pag-ibig!

        Gusto mo bang malaman ang iyong magiging kapalaran sa buhay pag-ibig?

        Pagtabihin ang dalawang palad. Obserbahan ang guhit. Tingnan ang larawan.

        Kung ang linya sa kaliwang palad ay mas mataas kaysa kanan, ikaw ay marubdob magmahal. Pangarap mo ang isang fairy-tale-like romance. Labis kang magmahal at magtiwala. Handa mong ibigay ang lahat sa iyong iniibig.

        Kung ang linya naman sa kanang palad ang mas mataas kaysa kaliwa, kabaliktaran ka ng nauna sapagkat masyado kang reserve pagdating sa pagmamahal. Hindi ka showy at takot kang ibigay ang iyong 100% dahil nag-aalala kang maloko. Praktikal ang pananaw mo sa pag-ibig.

        Kung pantay ang linya ng kanan at kaliwang palad, playing-safe ka pagdating sa pag-ibig. Playful ka ngunit alam mo ang iyong limitasyon. Hindi ka kaagad nahuhulog sa isang tao. Tipo mo ang mabilis madala sa pag-ibig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here