Good Vibes O Pampasuwerte?

Ano nga ba ang tunay na nakapagbibigay ng magandang buhay sa isang tao, ang pagkakaroon niya ng good vibes o ang paniniwala niya sa mga pampasuwerte? Kahit pa nasa modernong panahon na tayo at napapalibutan ng mga makabagong teknolohiya ay marami pa ring naniniwala sa mga lucky charms. Umaasa  sila na mag-aakyat ito ng suwerte sa kanilang tahanan. Halimbawa ay ang wind chime, pulseras, mga bato, halaman, jar at kung anu-ano pa. Dito sila kumukuha ng pag-asa na sa pamamagitan ng mga pampasuwerteng ito ay gaganda ang kanilang pamumuhay. May mga naniniwala naman na hindi na nila kailangan ang anumang lucky charms sa bahay o katawan. Sapat ng meron silang good vibes sa araw-araw. Para sa kanila, ito ang siyang aakit ng magandang kapalaran at magpapaginhawa sa kanilang buhay. Kung puno ka nga ng lucky charms sa bahay at ikaw naman ay isang tao na negatibo at walang iniisip kundi ang kasamaan ng iyong kapwa ay walang halaga ang mga lucky charms na ito. Suwertehin ka man ay agad din itong babawiin sa’yo. Pero kung ikaw ay may positibong pananaw sa buhay, anuman ang mangyari ay mananatili ang pag-asa sa iyong puso.

Sa kabila ng magkaibang paniniwala na ito ay hindi rin naman masama kung magkakaroon ka ng mga lucky charms sa bahay habang ikaw ay naniniwala rin sa biyayang ihahatid sa’yo ng pagkakaroon ng mo good vibes. Kung pareho kang meron nito ay mas maganda. Baka doble pa ang grasyang dumating sa’yo. Maaari ka pang makahikayat ng mga negatibong tao na tumulad sa’yo na isang positibo.Marami kasing negatibong tao ngayon na akala nila ang lahat ng tao ay tulad din nilang negatibo. Ito ang dahilan kung bakit hindi dumarating sa kanila ang pagpapala dahil sa pag-iisip nila ng hindi maganda lalo na sa kanilang kapwa. Kaya kung ikaw ay nagtataglay na ng mga lucky charms, dapat mo na lang panatilihin ang pagkakaroon mo ng good vibes upang ang mga blessings ni Lord ay patuloy na dumating sa’yo at maibahagi mo rin ito sa iba.

SHARE
Previous articleKahulugan ng mga Panaginip 27
Next articleMGA HOLLYWOOD AKTRES NA NAGKAROON NG KAUGNAYAN SA FOUNDER NG SIMBAHAN NI SATANAS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here