GOOD LUCK TIP SA PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR

131

Bukas ay sasalubungin na natin ang Year of the Metal Rat.

        Narito ang ilan sa mga simpleng lucky tip upang maging masuwerte ang pagsalubong sa Chinese New Year.

1.   Huwag maglilinis ng bahay sa unang aaw ng Chinese New Year Celebration, sa kadahilanang itataboy mo diumano ang suwerte papasok sa inyong bahay.

2.      Gawin ang “Qi Cleansing Ritual”. Ang space-clearing ceremony na ito ay mag-aalis ng mga negatibong enerhiya na nag-accumulate sa tahanan o opisina. Sa Qi Cleansing Ritual, kailangan mong magpakalansing ng mga barya o anumang bagay na maaaring lumikha ng tunog gaya ng wind chime o bell habang umiikot sa loob ng tahanan o opisina.

3.      Maglagay ng Mandarin Orange sa gitna ng hapagkainan. Ang mga prutas na ito ay simbolo ng prosperidad, magandang kapalaran, at malusog na pangangatawan.

4.   Mamigay ng ampao (ang-pao) sa mga bisita. Ito iyong red envelope na may naka-disenyong Chinese character. Ito ay simbolo ng kaligayahan at kasagahanan.

5.   Magsuot ng kulay asul o puti. Ang mga kulay na ito ay itinuturing na masuwerte ngayong Year of the Metal Rat 2020.

6.   Itago ang  mga matatalim at matutulis na bagay gaya ng kutsilyo at gunting. Ang mga bagay na ito ay simbolo ng pagputol sa suwerte. Kaya hindi ito dapat maging visible sa pagsalubong ng Chinese New Year.

7.   Bayaran ang mga utang. Magandang salubungin ang Bagong taon na walang mga bayarin.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 25, 2020
Next articleChinese Horoscope; Enero 25
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here