Golden Disk Awards gaganapin sa Pilipinas!

0
49

Ibinalita na ng All Access Productions at HM Entertainment na dito nga gaganapin ang isa sa mga pinakaaabangan na music awards ceremony sa South Korea, ang Golden Disk Awards. In-announce noong ng Nobyembre 16 na sa January 10 at 11 ito gagawin. Sa Mall of Asia Arena idaraos ang nasabing event.

Sa mga naunang post ng All Access at HM entertainment, ipinahihiwatig nila na ito na marahil ang pinakamalaking K-Pop event na mangyayari sa Pilipinas. Bukod sa 2 araw ang mismong event, ang mga sikat na grupo tulad ng EXO, BTS, Seventeen, WannaOne, Twice, Blackpink at Red Velvet ay magpupunta dito.

Hindi lang mga K-Pop groups ang pupunta pati mga K-drama artists tulad nina Park Bogum ng Moonlight, Gong Yoo at Lee Dong Wook ng Goblin at sina Park Hyung Sik at Jisoo ng Hwarang. Maaari ring dumalo ang bagong kasal na si Song Joong Ki para magbigay ng awards sa mga K-Pop groups tulad ng iba pang mga artists.

Sobrang excited na mga fans ng in-announce na ng All Access ang eksaktong araw ng napakalaking event na ito. Pero, mukhang hindi masaya ang lahat ng mga fans dahil may weekdays gaganapin ang show. Isa pang reklamo ng mga fans ay wala pang announcement ng mismong mga artists na magpe-perform sa kung anong araw.

Pati ang pagsisimula ng pagbebenta ng ticket ay inirereklamo rin ng mga fans. Marami ang nagsasabi na masyadong maaga ito at hindi sila prepared. Pero mayroon din namang nagtanggol sa All Access at sinabing “Let’s just be thankful that a prestigious award-giving body chose the Philippines as a venue. This means that we are being recognized and many more will come soon.”

Excited ka ba sa 32nd Golden Disc Awards? I-follow na ang page ng All Access at HM entertainment para sa mga susunod pa nilang announcements.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here