GAWING MASUWERTE ANG KUSINA SA TULONG NG ILANG FENG SHUI TIPS NA ITO

132

        Ang kusina ay siyang pinaka-“puso” ng bawat tahanan. Sa feng shui, simbolo ito ng kalusugan, kasaganahan, at prosperidad.

        Isa ang Feng Shui Kitchen sa pinakamahalagang lugar sa bahay. Mahalagang panatilihin ang malayang pagdaloy ng Chi (positive) energy sa lugar na ito upang magkaroon ng masaganang pamumuhay.

1.   Siguruhin na maayos ang lahat ng kasangkapan sa kusina. Matitiyak nito ang patuloy na maayos na daloy ng good Chi energy. Kaagad na ayusin o palitan ang mga sirang gamit at appliance. I-check kung may tagas ang mga gripo at tubo. Tiyakin na ang pintuan ay walang langitngit at nabubuksan ng maayos. Palitan ang mga mapupurol na kutsilyo at sirang chopping board.

2.   Isaisip ang kahalagahan ng stove. Ang lutuan ay isa sa powerful feng shui symbol for wealth. Nagsisilbi itong centerpiece ng kusina. Kinakailangang bigyan ito ng wastong pagpapahalaga. Panatilihin itong malinis at gumagana ng maayos (para na rin sa kaligtasan). Ang maayos na lutuan ay naga-attract ng maraming positive Chi sa buhay ng mga nakatira sa bahay.

3.   Panatilihing malinis at organisado ang kusina. Gawing habit ang pagdi-disinfect ng sahig at mga kitchen utensils para na rin sa kalusugan ng pamilya. I-organize at lagyan ng label ang mga gamit upang madali itong makita kung kailangan. Maiiwasan ang pag-init ng ulo kapag hindi makita ang mga kinakailangang gamit na nakaka-attract ng negative energy.

4.      Ilagay lamang sa kusina ang mga kailangan. Isa sa  feng shui rule ay ang itago ang mga gamit na may mahalagang kahulugan at gamit. Mag-inventory. Tingnan kung alin sa mga gamit ang kailangan nang ialis sa kusina.

5.      Panatilihing malinis ang lababo. Bukod sa sanitary purposes, ang malinis at hindi baradong lababo ay isang good Feng Shui. Tiyakin na walang tagas ang mga tubo at gripo sapagkat ito ay simbolo ng pagtapon ng kabuhayan.

6.      Maglagay ng salamin upang lalong maging masuwerte. Sapagkat ang burner ay simbolo ng wealth, mabuti kung imu-multiply ito sa pamamagitan ng paglalagay ng salamin sa likod ng stove upang ma-reflect ang burner. Makakatulong rin ang salamin upang makita ang mga kaganapan sa iyong likuran habang busy sa pagluluto. Ito ang tinatawag na Command Position sa Feng Shui.

7.      Panatilihing nasa balanse ang lahat ng elemento. Ang kusina ay nagtataglay na ng apat na Feng Shui elements (fire, water, metal, at Earth). Upang mapunuan ang nawawalang elemento ng kahoy (wood), maglagay ng wooden bowl of fruit o indoor plant.

8.      Mag-display ng symbol of abundance and good health. Magsabit ng artwork o painting na nagpapakita ng kasaganahan tulad ng pag-aani, pagtatanim, mga prutas, at iba pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here