Gandang Gabi Vice the Good Saya April 8; Kulitan with the Good Son’s boys

1291
vice ganda on philippineone

Sa Gandang Gabi Vice the Good Saya April 8, ay kulitan to the max ang nangyari dahi sa makukulit na bisita ni Vice Ganda, walang iba kundi ang tatlo sa magagaling na boys ng sinusubaybayan nating teleserye ang The Good Son na sina Joshua Garcia, Nash Aguas at Jerome Ponce. Tinanong ni Vice ang tatlo kung ano ang mga paborito nilang eksena nila sa The Good Son. Ang kay Jerome ay nung natuklasan niyang si Cal ang pumatay sa daddy niya. Kay Nash naman ay yung nagsasalita siyang mag-isa na pinapanindigang merong Justine, gusto rin niya ang scene niya sa rooftop. Habang si Joshua ay nung inagaw niya ang baril sa pulis at tinangkang magpakamatay dahil hindi niya matanggap ang pagkamatay ng ina.

Nakakatuwa rin ang pagpapakita ni Joshua ng level ng kanyang pag-akting habang sinasabi ang mekeni mekeni tugtug doremi.  Kung si Joshua ay idinadaan sa boses ang husay sa pag-arte, si Jerome naman ay umaalala ng mga bagay na may kaugnayan sa kanya. Nang tanungin ni Vice ang tatlo kung ano ang gagawin nila kapag nasa gitna sila ng pag-iinternalize para sa mabigat na eksena tapos biglang tumawag ang girlfriend nila, inamin ni Joshua na hindi niya kinausap non si Julia, kaya naman kinilig ang mga fans dahil ibig sabihin lamang nito na may namamagitan sa kanila ni Julia Barretto. Para na ring inamin ni Jerome na hindi maganda ang status nila ngayon ng girfriend niyang si Mika Reyes dahil inunfollow siya nito.

Nakakaaliw rin ang mga naging rebelasyon ng tatlo sa pamamagitan ng kanilang pagngiti. Nag-uulit raw ng brief si Joshua kapag nasa beach habang sanay naman sa pambobola si Jerome.Sa iisang tanong naman pare-parehong nagblush ang tatlo nang tanungin ni Vice kung sino ang hindi na virgin. Si Nash lang ang mukhang hindi pa sigurado sa kanyang sagot. Kung naaliw ang mga manonood ay kitang kita rin ang pagkaaliw ni Vice sa pakikipagharutan sa tatlo kaya mapapangiti ka na lang din habang pinapanood sila. Huling linggo na nang The Good Son kaya nag-imbita ang tatlo na pakatutukan ang kanilang teleserye dahil sa wakas ay malalaman na natin kung sino ba talaga ang pumatay kay Victor. Kasabay nito ang kanilang pasasalamat sa mga naging bahagi nito.

Hindi pa pumalya ang GGV o Gandang Gabi Vice sa pagpapasaya tuwing linggo ng gabi. Kahit sino pa ang guest ay nagagawa ni Vice na palabasin ang ngiti sa ating mga labi kaya naman muli nating abangan kung sino naman ang magiging kaharutan at kakulitan ni Vice Ganda sa susunod na episode ng Gandang Gabi Vice.

More Vice Ganda

More The Good Son Reviews

More TV Reviews

Joshua Garcia Bio

Eula Valdez Bio

Mylene Dizon Bio

Nash Aguas Bio

Jeric Raval Bio

Jerome Ponce Bio

More Bios

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here