Gandang Gabi Vice Saya ng Summer April 22: Mga Bagong Tambalan

0
443

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa Gandang Gabi Vice Saya ng Summer April 22 ay bigay todo sa pakikipagkulitan ang mga special guests ni Vice Ganda na walang iba kundi ang pinaka-fresh na tambalan sa Da One That Ghost Away na sina Kim Chiu At Ryan Bang. Ibinunyag ni Ryan ang lihim na paghanga kay Kim noong panahon pa lang ng Pinoy Big Brother days nila. Ibinuking rin niya na minsan na niyang nakasama sa pagtulog si Kim as in sa pagtulog talaga dahil nasa isang isla sila noon. Pero nilinaw ni Ryan na kahit 3 years na siyang walang gf ay hindi niya liligawan si Kim bilang pagrespeto sa relasyon nito kay Xian Lim. Magaling magpatawa si Ryan at nadadala niya si Kim sa kanyang kakulitan. Kaya siguradong kung katatawanan na may halong katatakutan ang hanap natin ay hindi tayo bibiguin ng pelikulang pinro-promote nila ngayon, ang Da One That Ghost Away.

Bukod kina Kim Chiu at Ryan Bang ay bisita rin ni Vice ang bagong tambalan din na sina Barbie Imperial at JM De Guzman.Kung sina Kim at Ryan ay todo patawa sa kanilang tambalan sina Barbie at JM naman ay todo ang pakilig. Hindi lang sa pagrere-enact sa kanilang naging workshop ang kinakiligan ng mga fans pati ni Vice kundi maging ang pagharana ni JM sa saliw ng awiting Perfect ni Ed Sheeran. Kahit ilang beses lumubog at lumitaw si JM sa showbiz ay wala pa rin kupas ang kanyang karisma pagdating sa pagpapakilig ng mga fans kaya hindi na’ko magtataka kung muling kikinang ang bituin niya bilang aktor.

Parehong produkto ng Pinoy Big Brother sina Kim Chiu at Barbie Imperial. Ang tanong, maabot din kaya ni Barbie ang naabot ni Kim? Hindi ito imposible  kung mabibigyan lamang ng tamang break si Barbie. Sa ngayon ay isa siya sa lead role ng up coming serye na Precious Hearts Romances Presents…Araw Gabi kung saan ay makaka-loveteam niya ang nagbabalik na si JM.

Abangan pa natin sa susunod na Linggo ang panibagong episode ng kulitan kasama si Vice sa Gandang Gabi Vice.

More TV Reviews

Vice Ganda Bio

More Bios

More Tanong mo Sagot ko

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here