Gamitin ang Asin upang bumait ang taong lagi nalang galit

Kumuha lamang ng garapon yung babasagin mo at dapat po ay clear, lagyan ito ng malinis ng tubig, kailangan mo din ng asin papel at ballpen.

Sa papel isulat mo ang buong pangalan ng taong lagi nalang galit sayo ng tatlong beses.

Sa likod naman ng papel ay isulat mo ang iyong hiling,halimbawa ikaw Juan Pedro ay babait na sa akin dimo na ako susungitan at dimo na ako pakikialaman.

Ikaw ang bahala Kung ano ang nais mong hiling,

Pagtapos ipasok mo ang papel sa garapon na may tubig. Lagyan ang garapon ng dalawang kutsara na asin yung Rock salt.

Pagkatapos ay humarap sa silangan tawagin ang kanyang pangalan saka usalin ang iyong hiling tatlong beses ang banggit ng pangalan kasabay ang kahilingan saka ito hipan ng tatlong beses

Pagkatapos ay takpan ito ng maigi. Tuwing gabi ay alug-alugin ang garapon saka bigkasin muli ang kanyang at kahilingan.

Tiyakain na walang iba makakalaam nito.

Gawin ang pag alog sa sunod-sunod ng tatlong gabi.

Pagnakita na ninyo na gumana na ang inyong ginagawa ay saka lamang itapon ang garapon sa malayong lugar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here