GAME OVER: Totoo ang Internet Gaming Addiction, at Dapat Kang Ma-Alarma

0
195

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ayon sa The Telegraph, may isang 15-year old teenager na na-diagnose ng internet gaming addiction sa National Health Service (NHS) sa United Kingdom, at ito ay first of its kind sa kanila.

Nitong taon na ito, isinama ng World Health Organization (WHO) ang “gaming disorder” sa kanilang latest draft ng International Classification of Diseases. Inilarawan ito ng WHO bilang isang “behavior pattern” na nagko-cause ng “significant impairment” sa personal, family, social, educational, occupational at ibang importanteng areas na nagfa-function. Isa itong mental health condition kung saan ang isang indibidwal na may “impaired control” dahil sa video-gaming ay nag-take over na sa daily activities niya at ibang interests.

Nagkakaroon ng diagnosis ng gaming disorder kapag ang pasyente ay nagpapakita na ng excessive video-gaming behavior nang di bababa sa 12 months.

Ayon sa The Telegraph, ang pasyente ay hindi pumasok sa eskwelahan ng isang taon at nawala na ang confidence na lumabas ng bahay. Ang kanyang nanay na si Kendal Parmar ay lumaban sa addiction na ito ng anak niya sa loob ng tatlong taon. Ibig sabihin, mula 12 years old ang bata ay may gaming disorder na siya. Sinigurado ni Mrs. Parmar na makakuha siya ng tulong at magamot ang anak niya agad-agad.

Sabi ni Mrs. Parmar: “I call it a silent addiction. If you were shooting up in a park, everyone would care a lot more because it disrupts society. If he were drunk and driving a motorbike, everyone would care. But no one cares if he is sitting in his bedroom.”

Bago magkaroon ng gaming disorder ang bata, siya ay isang “talented sportsman” na highly sociable at matalino. Isa rin siya sa gifted pupils sa kanilang paaralan, ngunit pagkatapos niya maadik sa mga games, tila nawala na ang lahat sa kanya.

Tuwing gising daw siya, gusto niyang naglalaro na siya agad. Wala nang outside world para sa kanya ayon sa nanay niya.

Para mas maintindihan niya ang kanyang anak, tinatabihan niya ito habang nanonood ng Twitch, isang live streaming video platform na pag-aari ng Amazo, kung saan ang users ay nanonood ng streamers na maglaro sa loob ng maraming oras.

Sabi ni Mrs. Parmar: “Watching him with so many other gamers is like going into a pub and seeing all the other people drinking and having a good time. Some people can go into a pub and cope with it. But not an alcoholic.”

Ginawa na niya ang lahat para maalis ang addiction ng anak niya sa pamamagitan ng pagtatago ng cellphone at computer nito sa kanyang kwarto, pero nakakagawa pa rin ng paraan ang anak niya para makuha ito. Agresibo ang anak niya at hindi niya na ito mapigilan.

Na-admit na rin siya sa ospital sa loob ng walong linggo dahil hindi na siya nagfa-function ng maayos. Takot na takot si Mrs. Parman para sa kanyang anak.

Sa isang published journal ng Pediatrics noong November 2017 na pinamagatang “Internet Gaming Disorder in Children and Adolescents,” ipinakita ang 3,000 batang nasa elementary at secondary schools, at 9% sa kanila ay meron nang internet gaming disorder.

 

Ang mga magulang ay dapat directly involved sa paggamit ng kanilang anak ng gadgets at dapat siguraduhin nila na may oras ang kanilang mga anak sa non-gaming creative play opportunities.

Kung ikaw ay may anak na tingin mo ay mayroon nang gaming disorder, siguraduhin mo na mabigyan mo siya ng atensyon at kumunsulta na agad sa doctor para maagapan ito.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here