Game #39 – National University vs University of Santo Tomas

678
UAAP Season 80

Pagkatapos ng 10 games ng UST tuluyan ng tinapos ng National University ang kanilang journey sa UAAP at sila ang kauna unahang ma eliminate sa Season 80.

Matapos ang ginawa ng NU na 24-6 run dito tuluyang tinapos at hindi na muli sila lumingon pabalik at iniwan na ang UST. Tinapos ng NU ang laro sa score na 91-83.

Nakatutuwa dahil kahit nag struggle man ngayon ang UST alam nating babawi sila sa susunod na season dahil may mga promising stars pa sila tulad ni Sta.Ana . Alam kong magiging lesson ito sa UST para mapatuyan na hindi tayo papahinain ng pagsubok dahil ito ang magpapatibay sa atin para itama ang mali at mag improve.

Dumating pa sa point na nagpakitang gilas ang UST at nagawa pa nilang makuha ang 17-5 run at mapataas ang kalamangan. Silla Nico Abatayo at Issa Gaye  ang isa sa mga dahilan para ma closeout at makuha ang panalo.

Sa dulo ay kapansin pansin na ito ay nagbunga mula sa teamwork na pinakita nila. Nanguna sa scoring si Issa Gaye na nakakuha ng 22 points 6 rebounds 6 blocks at si Matt Salem na nakakuha rin ng kanyang double double performance na 22 points at 10 rebounds. Hindi naman na kinailangan ni JJ Alejandro na mag contribute ng madami sa points pero ginamit niya ang kanyang sarili upang mas mag laro pa in other aspects ng game at nagtapos siya ng may 10 points 9 rebounds at 8 assist.

Samantala hindi naman naging sapat ang 16 points and 12 rebounds ni Steve Akomo para makuha ang panalo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here