GALIT AT ANG EPEKTO NITO SA KALUSUGAN (PART 2)

0
308
Flora Rivera

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Sa Part 1 ng topic na ito ay napag-alaman natin ang mga posibleng epekto nito sa ating kalusugan tulad ng stroke, nakakapagpahina ng immune system, atake sa puso at sa baga, anxiety, depresyon at nakakaiksi ng buhay.  

Ang pagiging aktibo ng galit ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng pagbabago sa ating metabolismo at nakakasama sa ating body system. Bukod sa mga nabanggit ng epekto, ang sobrang galit ay nagiging sanhi rin ng madalas na pagsakit ng ulo, digestive problem gaya ng pananakit ng tiyan, insomniya, skin problems  tulad ng allergy at eczema. 

May dalawang pamamaraan kung paano paiiralin ang galit:  Ang daanin ito sa positibong pananaw o iraos ito sa negatibong pamamaraan.

POSITIBONG PARAAN PARA HAWAKAN ANG GALIT

Maaaring makatulong ang mga sumusunod sa matinding bugso ng galit.

  1. Kung nakakaramdam na ng paghulagpos ng galit, iwasan ang sitwasyon sa pamamagitan ng paglayo sa taong gumalit sa iyo, mag-ihale at exhale, hanggang sa mabawasan ang nararamdamang galit.
  2. Huwag mong isipin na kahinaan ang nagalit ka at bagkus ay tanggapin mo na normal sa isang tao ang nagagalit.
  3. Isipin mo ang dahilan ng iyong ikinagalit at bigyan ng laya ang sarili na mag-isip ng mga positibong paraan kung paano hahawakan ang galit mo sa taong gumalit sa iyo. Pwede kang magbasa ng sipi ng biblia na tumatalakay sa bagay na ito. 
  4. Maging abala para payapain ang sarili. Magtungo sa Mall at mag-shopping, manood ng sine o maglakad-lakad habang mataas pa ang emosyon ng galit na nararamdaman.
  5. Tawagan mo o kausapin ang isang trusted na kaibigan para mailabas mo ang lahat ng sama ng loob mo sa tong gumalit sa iyo. Ang paglalabas ng sama ng loob ay nakakatulong para mabawasan ang galit na nararamdaman.
  6. Ipagdasal ang iyong sarili at pati na rin ang taong nakaalitan mo. Ang pagdarasal ay nakakagaan ng pakiramdam at nakakatulong para makapag-isip ng tama. 

NEGATIBONG PAMAMARAAN SA PAGPAPAIRAL NG GALIT

Kung may pamamaraan kung paano hahawakan sa positibong pananaw ang nararamdamang galit, may mga negatibong pamamaraan rin na mahirap pigilan ng isang tao. Ang kawalan ng pagpipigil sa nararamdamang galit ay maaring mauwi sa hindi magandang resulta. 

  1. Silakbo ng galit, mainitin ang ulo at walang pagpipigil 

May mga taong maikli ang pasensiya at hindi nakukuhang kontrolin ang kanilang nararamdamang galit. Ang ganitong uri ng galit ay maaaring mauwi sa physical abuse o sakitan. Ang taong hindi magawang kontrolin ang kaniyang temper ay maaring maging dahilan para ilayo nila ang sarili sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Karaniwan, ang mga ganitong mga tao ay may mababang pagpapahalga sa sarili at ginagamit ang pagiging mainitin ng ulo para palabasing sila ay matapang at hindi maaaring apakan ninuman. 

     2.   Nagpipigil ng galit o kinikimkin na galit

May mga tao naman na galit na galit na ay hindi mo pa nahahalata. Wala kang mababasang emosyon sa kanila at karaniwan ay itinatago ang nararamdaman dahil sa kanilang pananaw, ang paglalabas ng galit ay masama at hindi maganda. Ang pagtatago ng galit ay hindi rin magandang pamamaraan dahil posible itong mauwi sa violent reaction at magbalak ang taong galit na maghiganti. Maaari rin itong mauwi sa matinding depresyon at pagkabalisa at nauuwi sa pagiging abnormal ng tao sa pag-iisip at kilos.

    3.    Paghihiganti sa taong nakagalit

Kung minsan, ang taong nagkikimkim ng galit ay gumaganti sa bayolenteng paraan. May napapanood tayong mga true story sa television na tumalakay sa ganitong uri ng galit na kapag hindi naagapan ay mauuwi sa pag-ganti  at krimen.

Ang pagpili ng nararapat gawin ng taong nagagalit ay nasa kanyang mga kamay. Maiitindihan natin na ang galit ay isang normal na emosyon. Na dapat paalpasin at iraos. Pero kung ang isang tao ay hindi matututong mag-move on sa galit na nararamdaman, sa bandang huli ay siyang talo. 

Laging tandaan, ANG MAASAR, TALO. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here