Gaano Kahalaga Ang Isang Pangako?

0
92

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Gaano nga ba kahalaga ang magbitaw tayo ng pangako sa isang tao? Kasing halaga ito ng pagtitiwala na ibinibigay sa atin ng ating kapwa. Kung ikaw ay mahilig mangako kahit sa maliit lang na bagay tulad halimbawa ng pag ikaw ay nangutang  at sasabihin mong “Pangako ibabalik ko rin agad ito bukas.” O kaya ay nangako ka sa iyong ate o kuya na ikaw na ang maghuhugas ng mga pinggan mamayang gabi. Pero ang lahat ng maliliit na pangakong ito ay hindi mo nabigyang katuparan, ibig sabihin ay walang halaga sa’yo ang mga pangakong binibitawan o hindi mahalaga sa’yo ang tao na sinasabihan mo nito.

Once na ikaw ay mangako, binibigyan mo na rin ng karapatan ang taong pinangakuan mo na mag-expect at umasa sa anumang sinabi mo. At once na siya ay umasa na, ang ibig sabihin ay ibinigay na niya sa’yo ang kanyang pagtitiwala. Pero kung babalewalain mo ito, para mo na ring binalewala ang tiwala na ibinigay niya sa’yo. Kapag hindi mo napanindigan ang ipinangako mo ay magkakalamat ang tiwala na ibinigay niya sa’yo at posibleng magdalawang isip na siya na muli kang pagkatiwalaan.

Isa pang kahalagahan ng pangako ay ang kaugnayan nito sa iyong sarili. Kung alam mo naman na wala kang kakayahan na magcommit sa isang bagay, bakit ka magbibitaw ng salita? Para mo na ring ipinahayag sa iyong sarili na walang kwenta ang mga sinasabi mo. Dahil ikaw mismo ay hindi alam kung paano pahalagahan ang mga salitang lumalabas sa iyong bibig. Ito ay tanda ng kawalang respeto mo hindi lang sa tao na pinangakuan mo kundi sa mismong sarili mo. Maaari nitong sirain ang pagkatao mo at maging ang iyong buhay kung ang isang pangakong binitawan mo na hindi tinupad ay marami ang maaapektuhan kasama na ang iyong mga mahal sa buhay.

Kaya’t kung magbibitaw ka ng mga salitang gusto mong paniwalaan ng iba, dapat mo munang siguraduhin sa sarili mo na responsable ka at kaya mo itong panindigan. Dahil kung hindi ay huwag ka na lang mangako parang walang tiwala ang masisira at pagkatao mo ay hindi rin bababa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here