Friendzone Alert: Paano kung Kaibigan Ka Lang Pala?

0
124

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Teka huwag mo munang isipin na gumugunaw na ang mundo mo. Kung tingin mo ay kaibigan lang ang trato niya sayo, huwag kang panghihinaan ng loob at basahin mo muna ito.

Ayon sa Wikipedia, “The friend zone is when one person in a platonic relationship wishes to enter into a romantic relationship while the other does not. It is generally considered to be a regrettable situation by the lovelorn person. Common publications giving advice on dating, state that once this situation has happened in a relationship, it is difficult to undo”.

 

Paano mo nga ba malalaman na nasa “friendzone” ka na?

1. Kapatid ang turing niya sayo.

2. Ikaw ang nilalapitan niya kapag may problema siya, pero kaibigan lang ang tingin niya sayo.

3. Ayaw niyang napag-uusapan ang mga topic ng pagmamahal sa pagitan ng dalawang magkaibigan

Kung nasa ganitong sitwasyon ka na, dapat ay huwag kang panghinaan ng loob. Marami ang nakakalabas sa friendzone, pero para sa akin, mas mabuti na hindi mo ipilit ang isang bagay dahil lalo lamang itong lalayo sayo. 

Ito ang tips na pwede kong ibigay sayo para mas lumakas ang loob mo. 

1. Tanggapin mo na nasa friendzone ka

Hindi madali na tanggapin pero dapat mong gawin yan para makawala ka sa kasinungalingan na may gusto din siya sayo. Dapat tanggapin mo na hindi ka rin niya gusto dahil kung may gusto siya sayo, hindi ka na mapapaisip, unless pakipot siya ng sobra. Mararamdaman mo yan kung pakipot siya o talagang ayaw lang niya talaga. Kapag napunta ka na sa acceptance part, magiging madali na lang lahat. 

2. Confess your feelings, pero maging mature about it

Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, as in yung lahat ng nararamdaman mo at how you feel about it, para naiintindihan din niya bakit kakaiba ang kilos mo sa mga nakaraang linggo at buwan. Sabihin mo na hindi ka na nag-eexpect, pero sabihin mo sa kanya na sana ay maging mature kayong dalawa about it para walang komplikadong mangyari

3. Huwag mo siyang hayaan na paasahin ka niya

Don’t let that person hurt you. Hindi porket gusto mo siya ay pwede ka na niyang saktan. Dapat ay maging friends pa rin kayo at yung totoong friends ha! Hindi yung kunwaring magkaibigan pero naggagamitan lang pala. Kung tingin mo ay pinapaasa ka lang din niya o pinapakilig, umalis ka na agad sa sitwasyon mo na yan, dahil hindi na friendzone yan, ang tawag na dyan ay “It’s Complicated”. 

4. Umalis ka kapag napapansin mong ginagamit ka na lang niya

Bigyan mo nang respeto at dignidad ang sarili mo. Oo minahal mo siya at nagkagusto ka sa kanya, at dapat ay respetuhin ka niya sa nararamdaman mo. Kung siya rin ay sinasabing hindi ka niya kayang maging partner, dapat ay respetuhin mo rin yun. Kung marami na siyang hinihinging favor sayo para gamitin ka, “bumatsi ka na”, or in other words, umalis ka na sa sitwasyon na yan.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here