Friends With benefits

0
236

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Aware ka ba kung anong relasyon meron kayo?Ikaw ba yung tipo na naglalagay ng level sa iyong pakikipagrelasyon? Kung oo,naranasan mo na ba ang uri ng relasyon na kung tawagin ay ‘friends with benefits’? Kung hindi pa, dapat mong malaman kung ano ba ang ibig sabihin ngrelasyong ito.

Ang friends with benefits na relasyon ay hindi nalalayo sa isang casual sex relationship. Ang kaibahan lang na napakahalaga, ito ay may nabuong pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang tao. Kadalasan ito ay nagsisimula kung ang dalawang magkaibigan ay pumayag sa act of mutual sex attraction. Sa labas ng sex attraction na ito ay wala ng iba pang mamamagitan sa kanila kundi purely platonically. Magkakaroon lamang ng wakas ang ganitong klase ng relasyon kung ang isa sa kanila ay magkakaroon na ng isang serious relationship o commitment sa iba.

May mga dahilan kung bakit pumapasok sa isang friends with benefits na relasyon ang dalawang tao. Narito ang ilan sa kanilang mga dahilan.

1.Mas tumatagal ang ganitong relasyon kasya sa ordinaryong relationship between lovers. Hindi mo kasi siya madalas nakakasama. Hindi mo siya katabi matulog gabi-gabi. Walang do’s and don’t sa inyong relasyon. Kaya walang sawa factor. Laging kayong fresh para sa isa’t-isa. Kilala nyo ang isa’t-isa nang higit sa karelasyon mong nakasama mo ng ilang buwan.

2.Sa iyong friend with benefits ay nasasabi mo ang lahat ng gusto mo. Yung mga bagay na na gusto mo tungkol sa sex. Makakapag-open up ka sa kanya as long as you want. Pwede kayong magkuwentuhan ng dirty talks. Anytime ay pwede nyo ring gawin ang gusto nyo na walang inaalalang emosyon.

3. Hindi mahalaga kung kaninong bahay kayo matutulog, sa’yo o sa kanya. O kahit hindi pa kayo matulong nang magkasama it doesn’t matter. Hindi ito kinakailangang makasama sa inyong routine everyday, kung kailan nyo lang gustong magkita at magsama ay yun lang. No need for cuddling and romantic bonding. No explanations. Malaya kayong gawin ang gusto nyo sa buhay.

Matapos nyong mabasa ang kahulugan ng friends with benefits relationship, bet mo ba na ganito ang maging level ng relasyon nyo? Kung oo dapat itong maging malinaw sa inyong dalawa. ffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here