FRIENDS FOREVER: 10 Types of Friends Na Meron Ka

Habang nagpapatuloy tayo sa buhay, nakakakilala tayo ng daan-daan, kung hindi libu-libo, na mga tao. Ilan sa mga taong iyon ay magiging malapit sayo at tinatawag mo silang kaibigan. Ang mga kaibigan ay nagmumula sa iba’t ibang aspeto ng buhay natin.

May mga kaibigan kang mabait, mapagkakatiwalaan, at meron ding mga dumaan lang sa buhay mo. Basahin ito at alamin kung anu-ano ang 10 types of friends na maaaring magkaroon ka sa buhay mo.

1. Mga kalaro mo nung bata ka

Ito yung matagal mo nang kaibigan dahil mula bata pa kayo ay magkakasama na kayo. Minsan nawawala din sila sa buhay mo kapag lumipat na sila ng bahay at hindi na kayo nakapag-usap hanggang lumaki kayo.

2. Mga kaibigan mong mabilis lang dumaan sa buhay mo

Ito yung mga napadaan lang sa buhay mo at tinuruan ka ng mga bagay sa buhay. Iba iba ang rason kung bakit mabilis lang sila nag-stay sa buhay mo, pero marami ka natutunan sa kanila.

3. Kaibigan mo na biglang nawawala at biglang sumusulpot

Ito yung mga kaibigan mo na iba iba ang tinatahak na landas sa buhay kaya minsan ay nandyan at minsan ay nawawala. Pero nakakapag-usap pa rin kayo, thanks to the Internet.

4. Mga kaibigan na hindi pala kaibigan talaga

Sila yung mga pinipilit kang mapunta sa masamang bisyo at ibang bagay na sisira sa buhay mo. Nandyan lang sila kapag masaya, kapag malungkot at problemado ka, hindi mo alam nasaan na sila.

5. Ang masayahin mong kaibigan

Sila yung cheerful givers mo, na kahit anong problema sa buhay, nandyan sila para pasayahin at harapin ang problema kahit anong mangyari.

6. Leader type na kaibigan

Sila yung mga tipong successful pero hindi nakakalimot. Kahit ano pa ang maranasan mo sa buhay, nandyan sila para magbigay ng advice sayo.

7. Ang magaling mag-advice na kaibigan

Kapag may problema ka, sa kanya ka tumatakbo. Kapag may hindi ka naiintindihan, sa kanya ka lumalapit. Minsan, ang kaibigan mong ito ay may mga problema din at hindi niya alam paano niya haharapin ang mga problema niya. Madalas kasi, magaling lang tayo mag-advice pero hindi tayo marunong pagdating sa buhay natin.

8. Ang nakaka-away mo pero kaibigan mo

Siya yung honest friend mo na sasabihin sayo diretsahan kung ano ang mali mo, pero mahal na mahal ka.

9. Laging busy sa partner

Ito yung mundo na niya ang partner niya pero nakakasama mo rin siya sa iba’t ibang okasyon.

10. True friend

Ito yung matagal mo nang kaibigan at kilalang kilala ka na kahit ano pa ang gawin mong pagkakamali. Tanggap ka niya sa kahit sino ka pa man at hindi ka niya iniiwan dahil ganoon ka niya kamahal. Kapag may nanakit sayo, siya yung unang magtatanggol sayo.

 

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria           

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleKapangyarihan July 13: Hiwaga ng nawawalang kontinente
Next articleI Am Filipino July 13: Pila Laguna, ang Bayang Pinagpala
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.