Freelife Talent Agency: Humuhubog sa talento ng kabataang Pilipino

0
496

Si Arlene de Guzman Ong o mas kilala bilang Hilda Amor sa mundo ng pocketbook ay nagtatag ng isang agency katuwang ang asawa niyang si Mr.Herminio Ong kung saan nililinang at binibigyan ng pag-asa ang mga kabataan na nangangarap magkaroon ng puwang sa industriya ng pag-aartista, pagkanta, pagsayaw at pagmomodelo. Ang agency ay pinangalanan niyang Freelife Agency na sumisimbolo sa isang malayang buhay at malayang talento ng mga kabataang Pilipino. Mula sa pagwoworkshop ay hinuhubog ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng paggawa ng sariling palabas o mga indi films. Minsan na rin akong naging bahagi ng Freelife nang kunin ako ni Miss A bilang co-screenplay writer niya sa mga ilang indie films gaya ng “Mga Batang Kalakal” at “Sirkulo”. Ang mga nagawa niyang films ay ang mga sumusunod; Mga Batang Kalakal; Sirkulo; Takore, Kalye Trese, Home, (trilogy), Kuya Ko si Bossing; Mga Anghel sa Lupa; Tanikalang Bulaklak;God Gave me you; Sayaw Neneg at Orphanage. Ang mga ito ay ipinalabas sa SM San Lazaro at SM Valenzuela. Ang ilan sa mga indi films na ito ay tumanggap na ng pagkilala gayundin ang mga gumanap na pawang nasa pangangalaga ng Freelife. Si Arlene Ong ay miyembro rin ng KDPP (Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino).

Sa kanyang mga ginagawang pelikula ay nahahasa niya ang mga talento ng mga batang nasa ilalim ng kanyang pamamahala. Ilan na rin sa mga hinawakan niya ay napasama sa mga commercials at t.v. series sa magkabilang istasyon, ang GMA at ABS-CBN. Bukod sa paggawa ng mga pelikula ay madalas rin ang pagdadaos ng event ng freelife para naman sa pagmomodelo at iba pang talento ng mga batang freelife. Kamakailan ay gumawa sila ng isang video shoot na may temang hope and love for the world and humanity. Sa April 14, ngayong taon ay isa na namang event ng Freelife ang gaganapin sa Robinson Town Mall Malabon. Ito ay ang Summer Get Away Fashion Show.

Marami pang kaabang-abang na events ang Freelife Agency. At hoping si Miss Arlene na mag-improve pa ang kanilang agency at marami pa silang matulungan na mga batang nangangarap na maipakita ang kanilang mga talento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here