Fireworks Sa Panaginip

Napakagandang panoorin ang fireworks. Simbolo ito ng selebrasyon. Nakakapagpayapa ng damdamin sa oras na ito ay makita mo nang pumailanlang sa kalangitan.Para siyang naipong mga bituin na sumasabog at kanya-kanya ng pagniningning. Lalo na kung iba’t-iba ang kulay nito. Ang saya saya sa pakiramdam na tila ba nakakalimutan mo ang iyong mga problema kapag napatulala ka na sa kanila. Paborito siyang panoorin ng buong pamilya at ng dalawang taong inlab sa isa’t-isa. Ang iba ay humihiling pa nga na para bang bulalakaw ang nakita nila. Sa totoong buhay ay tunay na naa-appreciates natin ang kagandahan ng fireworks. Pero paano kung sa panaginip lang natin ito nakita? Dapat mong malaman ang nais ipahiwatig nito.

1.Sa oras na ikaw ay makakita ng fireworks sa iyong panaginip at tila hindi maganda ang iyong pakiramdam, ihanda mo na ang sarili mo dahil maaaring ikaw ay humarap sa isang malaki at hindi inaasahang problema.

2. Kung ang fireworks naman ay makikita mo mula sa malayo, ibig sabihin ay may pangyayari pa sa buhay mo ang hindi mo makalimutan. Yung tipong kahit na anong gawin mo ay nananatili at mananatili ito sa isip mo dahil wala ka pang balak na ito ay pakawalan.

3.Kung ang fireworks naman ay maririnig mo lang sa iyong panaginip pero hindi mo makikita, mag-ingat sa mga taong makikilala o kaya ay mga bagong kaibigan. Isa sa kanila ang maglalagay sa’yo sa kapahamakan.

4.Kung madilim naman ang kulay ng fireworks na makikita mo, ibig sabihin ay may taong nagdadala ng lihim na galit sa’yo. Yung klase ng tao na nasa loob ang kulo. Nakangiti sa’yo kapag kaharap ka pero deep inside ay may malaki pa lang galit, inggit o selos sa’yo.

5.Maganda naman ang nais ipahiwatig ng fireworks na may maliwanag at iba’t-ibang kulay sa iyong panaginip. Ito ay nangangahulugan ng isang pagdiriwang dahil ang matagal mo ng hiling ay malapit nang magkaroon ng katuparan.

SHARE
Previous articleEASY MANIFESTATION TECHNIQUE UPANG MAGKAROON NG MARAMING PERA
Next articlePamahiin Kuko: Sanhi ng pagkakasakit

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here