Filipina Hero, Gloria Diaz: Philippine’s First Ever Miss Universe

3793

Si Gloria Maria Aspillera Diaz ay ipinanganak noong March 10, 1951. Isa siyang aktres at ang kauna-unahang Filipina na nanalo ng Miss Universe crown noong 1969 sa Miami Beach, Florida.

Kabilang si Gloria sa Diaz clan. Isa siya sa labindalawang magkakapatid (sampung babae, dalawang lalaki). Ang kanyang kapatid na si Rio Diaz ay isa ring dating aktres at beauty titlist.

Habang nag-aaral sa kolehiyo, nai-scout si Diaz ng isang pageant aficionado at nakumbinseng sumali sa 6th edition ng Bb. Pilipinas. Ang kanyang ganda at talino ay ang siyang nakapag-captivate sa audience, dahilan para makoronahan siya bilang Bb. Pilipinas Universe sa edad na labingwalo.

Ipinadala si Diaz sa Miami Beach, Florida para lumaban sa Miss Universe 1969. Pagdating palang niya sa pageant, naging early favorite na siya. Hindi naman siya nang-disappoint, nakaabot siya sa Top 5 at nag-participate sa final question round. Ang kanyang sagot sa katanungan tungkol sa “men in the moon” ay nakapag-charm sa audience at judges. Kinoronahan siya bilang Miss Universe noong July 19, 1969.

Sa kanyang karanasan, hindi inisip ni Diaz na ang pagpanalo sa Miss Universe ay mahirap. Hindi siya nagkaroon ng formal training at hindi rin nagkaroon ng matinding preparasyon para sa international pageant. Basta para sa kanya, isa lamang iyong fun at exciting experience. Kaka-eighteen years old pa lamang niya noon at pakiramdam niya nandoon siya sa pageant for fun kaya hindi siya nakadama ng pressure.

Ayon kay Diaz, naghanda lamang siya sa pamamagitan ng mental conditioning, na malayo sa intensive training na pinagdadaanan ng mga beauty queens ngayon.

June 1969 siya nanalo ng Binibining Pilipinas at makalipas ang isang buwan ay ipinadala na kaagad siya sa US para lumaban sa Miss Universe kaya hindi siya nagkaroon ng training.

Noong kanyang reign, nag-travel si Diaz sa maraming bansa para i-promote ang advocacies na sinusuportahan ng Miss Universe Organization. Um-appear din siya sa maraming public at television events sa United States.

Nang matapos ang kanyang reign, mabilis na nag-move on si Diaz at nag-pursue ng acting career. Isang bagay na natural na dumating sa buhay niya. Ayon kay Diaz, natural sa kanya ang mag-eksperimento. Pinili niya ang showbusiness at naging masaya siya rito.

Sa loob ng maraming dekada, ikinonsidera si Diaz bilang mahusay na aktres sa mundo ng pelikula at telebisyon. Noong 1975, nagkaroon siya ng breakthrough performance bilang Isabel sa critically acclaimed na pelikulang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Ang kanyang performance sa pelikula ay umani ng papuri mula sa film critics at ikinonsidera bilang isa sa promising breakthroughs ng isang aktres sa Philippine cinema. Noong taon ding iyon ay na-nomina siya sa FAMAS Award para sa Best Performance by an Actress in a Lead Role.

Lumabas din sa telebisyon si Diaz. Noong 1996 nakasama siya sa cast ng television series na Anna Karenina.

Noong 2006, kabilang si Diaz sa cast ng psychological thriller na Nasaan Ka Man kasama ang award-winning actress na si Hilda Koronel, Claudine Barretto, Diether Ocampo at Jericho Rosales. Para sa kanyang role bilang Lilia, muli siyang na-nomina sa FAMAS bilang Best Supporting Actress.

Nag-aral si Diaz sa St. Scholastica’s College Manila. Mayroon siyang tatlong anak, sina Isabelle, Ava at Raphael sa dating asawa, ang namayapang si Bong Daza.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Gloria_Diaz

http://www.manilatimes.net/gloria-diaz-life-as-a-beauty-queen/55107/

https://www.angelopedia.com/news/Gloria-Diaz—the-first-ever-Miss-Universe-from-Philippines/16

 

SOURCE (IMAGE):

https://www.angelopedia.com/news/Gloria-Diaz—the-first-ever-Miss-Universe-from-Philippines/16

SHARE
Previous articlePALMISTRY 41: Ang babaeng nakatakdang yumaman
Next articleHoroscope, Disyembre 24, 2017
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.