Filipina Hero, Charo Santos-Concio: The Superwoman

0
760

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Media executive, host, occasional actress, television and film producer, school president, wife, mother, grandmother—ang lahat ng roles na ito ay hindi lamang basta ginagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio, ang pagiging mahusay ay hindi nawawala sa bawat ginagawa ng superwoman na ito.

Si Maria Rosario Navarro Santos-Concio o mas kilala sa pangalang Charo Santos ay ipinanganak noong October 27, 1955. Kasalukuyan siyang Chief Content Officer ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking entertainment at media conglomerate sa Pilipinas. Siya rin ang Presidente ng ABS-CBN University at patuloy na ginagampanan ang powerful role sa TV at film production sa Pilipinas.

Ang pangalawang anak nina Winifredo Santos, isang physician at Nora Navarro ay nagtapos ng cum laude sa St. Paul University Manila sa kursong Communication Arts. Nagtapos din siya ng Advanced Management Program sa Harvard Business School noong 2007.

Una siyang napansin ng media noong 1976 nang maging Baron Travel Girl. Naging production assistant din siya ng ABS-CBN bago mag-martial law.

Noong 1980s, ipinroduce ni Charo ang mga pelikulang Oro, Plata, Mata at Himala sa ilalim ng Experimental Cinema of the Philippines. Nagsilbi rin siya bilang creative force sa likod ng productions ng Vanguard Films at Vision Films bago lumipat sa Regal Films.

Na-establish din niya ang sarili bilang isang award-winning dramatic actress noong simula ng kanyang career. Nanalo siya sa 1977 Asian Film Festival para sa kanyang performance sa pelikula ni Mike de Leon na Itim. Naging critically-acclaimed din ang kanyang pagganap sa Lino Brocka film na Gumapang Ka Sa Lusak. Nakatanggap din ng apat na FAMAS Award nomination si Charo, dalawang Best Actress nominations para sa Pag-ibig na Walang Dangal noong 1980 at Kontrobersyal noong 1981. May dalawa rin siyang Best Supporting Actress nominations para sa Gumapang Ka Sa Lusak (1990) at Ms. Dolora X (1993). Nagkaroon din siya ng dalawang Gawad Urian nominations para sa Gumapang Ka Sa Lusak at Itim.

Noong 1987 habang nagtatrabaho para sa Regal Films, inimbitahin si Charo magtrabaho sa bagong bukas na ABS-CBN. Na-promote siya mula Production Manager, Program Director hanggang maging Executive Vice President. Credited siya sa production ng maraming television series ng ABS-CBN kasama na ang Esperanza, Mula Sa Puso, Pangako Sa’yo at Kay Tagal Kang Hinintay. Ang kanyang film background ay nagkaroon ng malaking papel sa pagkakalikha ng Star Cinema. Siya rin ang nasa likod ng longest-running Philippine TV drama anthology program, ang Maalala Mo Kaya na kanyang hino-host mula pa nang mag-premiere ito noong 1991.

Noong December 26, 2007, pinangaralan ng Film Academy of the Philippines (FAP) si Charo Santos-Concio ng Manuel de Leon Award para sa kanyang naging trabaho at kontribusyon sa industriya. Noong March 1, 2008, in-appoint siya bilang panglimang Presidente ng ABS-CBN, at ang kauna-unahang babaeng presidente ng media conglomerate at ng Lopez Group of Companies.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here